Chapter 17.2

3.2K 65 1
                                    

EKSAKTONG alas-sais na ng gabi nang makarating si Arrhea sa apartment niya sa Makati City. Katatapos niya lang kasing dumalo sa kasalan nina Michael at Stacey nang araw na iyon. Pagkarating niya ay inabala niya ang sarili sa pagluluto ng hapunan dahil alam niyang maya-maya lang ay uuwi na si Raffy.
Hindi nga siya nagkamali at ilang minuto lang ay narinig niya na ang pagbukas at pagsara ng pinto ng apartment niya. Lumingon siya sa likod at nakita itong pumasok ng kusina. Nginitian niya ito at inilipat ang atensiyon sa dish na niluluto. Isa iyong Filipino dish. Miss niya na ang Filipino foods at gusto niyang kumain niyon ngayong gabi.
Bumilis ang tibok ng puso niya nang maramdaman ang malambing na pagyakap ni Raffy mula sa likod niya.
“Kumusta ang work mo?” tanong niya, pakiramdam niya ay isa siyang may-bahay na nagtatanong ng tungkol sa trabaho ng asawa niya.
“Ayos lang,” bulong nito. Napaungol ito nang makita ang niluluto niya. “Sinabi ko na sa’yong hindi ako kumakain ng Filipino dishes.”
“Subukan mo rin,” sabi niya. “Dapat masanay ka na dahil gusto ko nito.”
“Arrhea, hindi ko—” napatigil ito nang bigla siyang pumihit paharap dito. Para itong isang batang nagre-reklamo dahil ayaw nito ng pagkain.
Malambing niya itong niyakap at tinitigan. “Sige na,” pagmamakaawa niya. “Gusto kong ipagluto ka ‘tapos sinasabi mong ayaw mo. Magtatampo ako niyan.”
Napapikit ito at sapilitang napatango. Muli nitong binuksan ang mga mata at tinitigan siya. “You know, I may be a very hasty guy, but you’re the only one who can tell me what to do,” ngumiti ito. “Now I know how it’s like when your heart is stolen by someone,” marahan nitong hinagkan ang noo niya. “I’m missing you all day long, baby,” hindi kasi ito nakadalo sa kasal dahil may inasikaso itong problema sa agency dito.
“Kaya nga kailangan mong kainin ito para makatanggap ka ng reward mamaya,” ngumiti pa siya.
“Mamaya?”
Tumango siya at muling humarap sa niluluto. Ito naman ay tumungo sa upuang naroroon at naupo. Pinanood lang siya nito.
Sumulyap siya dito, tinatanggal na nito ang suot nitong kurbata. Tumayo uli ito at muling lumapit sa kanya. “I love you,” bulong nito sa tainga niya. His breath brought chills on her spine and waves of heat all over her body.
Ngumiti siya at hinarap ito. Damn, hindi niya matatapos ang niluluto niya kapag patuloy lang itong gumagawa ng ganito. Ipinulupot nito ang mga braso sa katawan niya at hinapit siya palapit sa katawan nito. Inilagay niya ang mga kamay sa dibdib nito, nararamdaman niya na ang pagtibok ng puso nito.
“Isang linggo na lang bago mag-Pasko,” sabi nito. “Gusto mo bang mag-celebrate dito o mas gusto mong pumunta sa bahay nina Rafael at maki-celebrate sa kanila?”
Ilang sandali niyang pinag-isipan ang sagot doon. Pagkatapos ay tumango siya at ngumiti. “Mas gusto ko ang maki-celebrate kasama ang pamilya ni Rafael,” hinalikan niya muna ito bago muling humarap sa niluluto niya. “Kumuha ka na ng mga pinggan,” utos niya dito.
Sumunod naman ito at inabot sa kanya ang hinihingi. Ilang sandali lang ay magkatapat na sila sa mesa at nagsimula ng kumain. Mukha namang nagustuhan nito ang niluto niya at naparami pa ng pagkain.
Pagkatapos kumain ay may iniabot ito sa kanya. Isa iyong susi, customized ang design niyon at kakaiba. Kinuha niya iyon at tinitigang mabuti. “Para saan ito?” nagtatakang tanong niya.
“Gusto kong ikaw ang humawak niyan,” sagot nito. “Susi ‘yan ng private suite ko sa society.”
Napatingin siya dito. So, ito ang susi ng sarili nitong suite sa society ng mga ito – ang lugar kung saan nito dinadala ang mga babae nito noon.
“Gusto kong dalhin ka doon,” pagpapatuloy nito, nasa boses ang pagkasabik.
Tumaas ang kilay niya. “Ilang babae mo na ang nadala mo doon?” tanong niya. Nakita niya ang kinakabahang ngiti sa mga labi nito. Tinitigan niya lang ito at naghintay ng sagot.
“Hindi ko na maalala,” pag-amin nito, medyo nauutal pa. “Pero, baby, pangako ikaw na lang simula ngayon. Kaya nga sa’yo ko na ‘yan ibinigay, ‘di ba?”
Tumango siya at itinago ang susi sa bulsa. “Sigurado kang walang duplicate ito?” nagdududang tanong pa niya.
Ngumiti ito at tumango. “Iba ang susing iyan kaysa sa karaniwan, imposibleng ma-duplicate ‘yan. Sinigurado ni Christopher ang tungkol doon.”
Napahanga siya. “Talaga? Wow, you ‘breakers’ are really,” wala siyang mahanap na salitang maaaring gamitin para mai-describe ang mga lalaking ito. “Something…” hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Tumawa ito sa kawalan niya ng salita para mai-describe ang mga ito.
Pinalitan niya na lang ang usapan.”Society Hotel, tama? Tatawagan kita kapag naisipan kong pumunta doon.”
Kumislap ang mga mata nito. “Magugustuhan mo ang kama ko doon,” sabi nito at pilyong ngumiti.
Nag-blush siya. Sine-seduce na naman siya nito, alam niya iyon. Baka hinihintay nito ang reward na ipinangako niya kanina. At malugod niyang ibibigay iyon dito kahit na anong oras.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy ChoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon