Chapter 3.5

2.9K 46 0
                                    

“ARRHEA noona,” narinig ni Arrhea na tawag sa kanya ng kapatid na si Jino.
Hindi niya ito pinansin at ipinagpatuloy lang ang pag-inom ng alak sa hawak na baso. Nasa loob sila ng apartment niya sa Makati, ilang araw na siyang nagkukulong doon at patuloy na nagdurusa. Hindi niya na rin napapansin ang kapatid at ang manager niya nang magkasabay itong dumating doon.
“Noona,” patuloy na tawag nito at lumapit sa kanya.
“What do you want?!” bulyaw niya dito. Nakita niya ang pagkatakot nito sa inakto niya.
Napahawak siya sa ulo. “I’m sorry, Jino.”
Lumapit ang manager niya sa kanila. “Arrhea, stop this. Let’s go back to Korea. Go back to work,” wika nito.
Tumayo siya at humarap sa mga ito. “Right,” tumango siya. “Let’s go back. But, I want to get some fresh air outside first. Just for a while,” lalakad na sana siya palabas pero hinarangan siya ng manager niya.
“You’re drunk, Arrhea,” sabi nito.
“I’m not,” tanggi niya. “Da Seul-ah, please,” pagmamakaawa niya dito.
Wala na itong nagawa kundi tumango at hayaan siyang tumuloy sa paglabas, alam niyang naaawa na ito sa kanya. Dumiretso siya sa kinapaparadahan ng sasakyan at pumasok doon. Mabilis niya iyong pinatakbo, gusto niya ng mawala ang sakit na nararamdaman pero hindi niya alam kung papaano. Kahit siguro bumalik siya sa South Korea ay hindi pa rin ito mawawala. Kahit anong pilit niyang kalimutan ang nararamdaman para kay Rafael ay hindi niya magawa.
Muli na namang bumukal ang mga luha sa mga mata niya. Mabilis niya iyong pinahid. Medyo nakaramdam pa siya ng pagkahilo kaya agad siyang napahawak sa ulo. Pagbalik niya ng tingin sa unahan ay nakita niyang lumampas na pala ng lane ang sasakyan niya. Huli na para bumalik, hindi na naiwasan ng sasakyan niya ang pagbangga sa kasalubong na sasakyan.
She closed her eyes as she saw the blinding light from the other vehicle and heard the clash of metals. Wala na siyang naramdaman dahil tuluyan na siyang nawalan ng malay.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy ChoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon