ILANG minuto pa lang siguro siyang nakaka-idlip nang maramdaman niyang may tumabi sa kanya. Iminulat niya ang mga mata. Natigilan siya nang makita si Raffy na nakaupo doon, kung hindi lang dahil sa kulay ng buhok nito ay mapapag-kamalan niya itong si Rafael sa unang tingin.
Umayos siya ng upo at iniiwas ang tingin dito. “Bakit ka nandito?” tanong niya.
“Gusto kong lumanghap ng sariwang hangin,” kalmadong sagot nito. “Ikaw? Bakit tumatambay ka lang dito? Hindi ka man lang nagpakita sa loob.”
Umismid siya. “Alam mo kung bakit,” hindi niya na naitago ang pagka-sarkastiko ng tono niya. Bakit pa kasi ito nagtatanong ng ganoon? Alam naman nito ang sagot.
“Marami kang kaibigan sa loob,” imporma pa nito. “Hinahanap ka nila.”
“Kaibigan?” pa-uyam na banggit niya sa salitang iyon. “Kaibigan,” tumango-tango pa siya. “Puwede bang iwasan mo ng sabihin ang salitang ‘yan?”
Nagtataka itong napatingin sa kanya.
“I hate that word… so much,” pagpapatuloy niya, pumipiyok na. “Iyon ang pinaka-masakit na salitang narinig ko. Kaibigan…” pinunasan niya ang luhang naglandas sa pisngi niya. “Iyon lang ang kaya niya ituring sa akin, hanggang doon na lang kami. Mahal na mahal ko siya pero hanggang kaibigan lang ang kaya niyang ituring sa akin,” nag-umalpas na ang lahat ng sakit na pilit niyang itinatago nitong mga nakaraang araw. Pinilit niyang mag-mukhang maayos, pero napakasakit pa rin.
“I’m sorry,” bulong nito.
Tiningnan niya ito. Nakatingin lang ito sa unahan pero alam niyang seryoso naman ito sa paghingi ng tawad. Ilang sandaling katahimikan ang bumalot sa kanila. Pinakalma niya ang sarili, ayaw niya ng magmukhang kawawa sa harap ng lalaking ito.
Mukhang walang balak na itong magsalita kaya siya na ang nagsimula. Tumingin siya sa mga damong nasa paanan. “Na-in-love ka na ba?” tanong niya.
Hinintay niya ang sagot nito pero nanatiling tahimik lang ito.
“It’s horrible, right?” pagpapatuloy niya. Sigurado naman siyang minahal din nito si Ashlee sa tagal ng pinagsamahan ng mga ito. “It makes you so vulnerable, so breakable, so freaking weak. It makes your heart open to someone and that means he can get inside you and mess you up, totally. Iiwanan kang nasasaktan at wasak. Napaka-hirap,” huminga siya ng malalim para mapigilan ang pag-iyak. “Napaka-sakit.”
“Kung mahirap pala at masakit,” wika nito sa wakas matapos ang ilang minuto. “Dapat tigilan mo na.”
Tiningnan niya ito pero nakatingin pa rin ito sa harap. Kalmado at seryoso pa rin ang ekspresyon nito tulad noon.
“Madali para sa’yong sabihin ‘yon,” sabi niya at muling ibinaling ang tingin sa damuhan. Bakit ba niya sinasabi dito ang mga ganitong bagay? Alam niya namang wala itong sasabihing makakatulong sa kanya.
“Alam mo, hindi ako patuloy na manunuyo sa mga taong walang kompiyansa sa sarili nila kahit napaka-talented pa nila,” pagbabago nito sa usapan, nakatingin sa kanya. “That’s why you should pick yourself up and start all over again, because I’m not going to wait for you to be normal again. Marami pa akong trabahong kailangang gawin,” iyon lang at tumayo na ito at walang paalam na lumakad palayo.
Tinitigan niya lang ito habang lumalayo, pino-proseso pa ng utak niya ang lahat ng sinabi nito. Hindi ba at ito naman ang nag-desisyong mag-bakasyon muna siya? Bakit pinagmamadali na agad siya nito sa pagbalik sa pagtatrabaho?
Hindi makapaniwalang napabuntong-hininga siya at napapadyak. Kailan pa siya nagsimulang maging komportableng kausap ito? Hindi niya napansin iyon. Napailing na lang siya. Ang mahalaga, nakatulong din naman iyon na mai-pokus niya ang isipan sa ibang bagay.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy Choi
Romance"Bakit kung anong pinaka-gusto mo ay hindi mo makuha?" tanong niya dito. Naparami na yata ang nainom niya kaya nagawa niyang makipag-usap sa taong ito. Arrhea Aguirre, a very famous model and actress in South Korea. Hindi niya kailangan ang pagigin...