Chapter 15.2

3K 47 1
                                    

PAGKAPASOK nila sa apartment niya ay agad siyang pinahiga ng manager niya sa ibabaw ng kama. Kitang-kita niya ang pag-aalala sa mukha nito. Mukha na ba talaga siyang kawawa ng mga oras na iyon?
“Do you want to eat?” tanong nito. “I’ll cook for you.”
Ini-iling niya ang ulo. “No, can-can you please… please just leave me alone for a while?” pagmamakaawa niya. “I just need some rest.”
Nasa mukha pa nito ang pag-aalangan pero agad din namang tumango. “Call me if something happened, okay?” napailing pa ito. “Rest and take some medicine.”
Tumango siya at nagpasalamat dito.
Da Seul hesitated for a while before finally deciding to leave her. Hinintay niyang marinig ang pagsasara ng pinto bago bumangon. Walang lakas pa rin siyang lumakad palabas ng kuwarto at tumungo sa isang sulok kung saan nakaupo si Snoopy. Matagal-tagal na ring nakalagay doon ang stuffed toy na iyon.
Muli na namang namukal ang mga luha sa mga mata niya. Galit na galit niyang sinipa ang stuffed toy. She was so stupid. Another kick. Nahulog na naman ba siya? Lumuhod siya sa harapan ng stuffed toy at malakas na pinagsusuntok ang mukha niyon. Marahas siyang umiling. Hindi puwede. Si Rafael lang, ‘di ba? Ang nag-iisang nasa puso niya? Ito lang. Paano niya nagawang kalimutan agad iyon?
Ilang suntok pa ang pinadapo niya sa kawawang stuffed toy bago siya tumayo at lumakad patungo sa couch. She lay down there and curled herself into a ball. She was so stupid.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy ChoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon