TATLONG araw na ang lumipas mula ng huling makita niya si Raffy – iyon ay noong nag-usap sila sa Banpo Bridge.
Kasalukuyan siyang naghahanda sa loob ng dressing room para sa isang guesting. Nasa tabi niya lang ang manager niya na may kung anong ginagawa sa hawak nitong tablet.
Pagkatapos ay may naalala siyang importanteng bagay, bukas na nga pala ang kaarawan ni Rafael – ibig sabihin, kaarawan din ni Raffy. Muntik niya ng makalimutan ang tungkol doon. Napaisip siya. Ano kayang maibigay niya sa mga ito?
Kinagat niya ang mga kuko. Madali lang ang kay Rafael, alam niya ang lahat ng gusto nito. Ipapadala niya na lang sa Pilipinas ang regalo niya. Pero paano naman ang kay Raffy? Ano kaya ang puwede niyang i-regalo dito?
Marahas siyang napabuntong-hininga. Wala siyang kaalam-alam sa mga gusto nito, bakit ba hindi niya man lang iyon naitanong kahit minsan?
Hanggang matapos ang filming ay wala pa rin siyang naiisip na maire-regalo dito. Napakahirap mag-isip at ang tanging magagawa niya lang ay mataktikang tanungin ito. Napangiti siya. Tama, kailangan niyang pumunta sa agency para makita ito, tapos ay tatanungin niya ito ng ilang bagay nang hindi nahahalata ang tunay na pakay niya. Magandang ideya iyon. Siguradong hindi rin naman nito maisip na balak niya itong regaluhan sa kaarawan nito.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy Choi
Romance"Bakit kung anong pinaka-gusto mo ay hindi mo makuha?" tanong niya dito. Naparami na yata ang nainom niya kaya nagawa niyang makipag-usap sa taong ito. Arrhea Aguirre, a very famous model and actress in South Korea. Hindi niya kailangan ang pagigin...