Chapter 10.1

2.9K 53 0
                                    

NAKABALIK na si Arrhea sa South Korea para lamang um-attend ng mga photo shoots, commercial shoots, endorsements at maging fan-signing events. Pagkatapos ng pangyayari ng gabing iyon sa isang beach, hindi niya na rin muling nakita si Raffy. Pero narinig niyang kababalik lang nito kahapon galing sa Pilipinas.
Pagkatapos ng ilang araw na pag-iisip ay napag-desisyunan niyang kalimutan na lang ang nangyari. Siguro ay isa lang iyon sa paraan ni Raffy para magkasundo na talaga silang dalawa. Ganito lang siguro talaga ang tunay nitong ugali, hindi niya lang noon napapansin.
Alas-otso na ng gabi ng matapos ang schedule niya para sa araw na iyon at napag-pasyahan niyang bisitahin si Raffy sa opisina nito. Gusto niyang ipakita dito na hindi siya awkward sa nangyari.
Pagkarating sa agency at dumiretso siya sa opisina nito at marahang kumatok.
“Come in.”
Binuksan niya ang pinto at pumasok sa loob. Nakita niya itong nakatayo at nakasandal sa unahan ng mesa nito, nagbabasa ito ng hawak na dokumento. Napaangat ito ng tingin sa kanya.
Bigla siyang natigilan sa nakitang pagbabago sa itsura nito. Muling bumalik sa itim ang kulay ng buhok nito at nakataas ang parteng una gamit ang wax. Nakasuot din ito ng reading glasses. Sa unang tingin, akala niya ay si Rafael iyon dahil ganoong-ganoon ang hairstyle nito. Magkamukhang-magkamukha talaga ang mga ito, ngayon niya lang talaga iyon napagtuunan ng pansin. Noon kasi ay palaging magkaiba ang hairstyles ng mga ito kaya kahit kambal ang mga ito ay madali niyang natutukoy kung sino ang sino.
Kumunot ang noo nito sa nakitang pagkagulat niya sa pagkakita dito. “Ayos ka lang?” tanong nito. “May problema ba?”
Iniiwas niya ang tingin dito. Baka dahil sa tagal ng panahong hindi niya nakikita si Rafael kaya nakikita niya ito ngayon kay Raffy. “A-Ang buhok mo,” wika niya sa mababang boses. “P-Puwede bang… ibaba mo ulit ‘yan?” sumulyap siya dito, nagmamakaawa. “Katulad ng dati?”
His jaw clenched for a while, pagkatapos ay sumagot ito, “Bakit? Do I look like him now?” Alam niyang alam nito ang dahilan kung bakit niya hiniling ang bagay na iyon – na ayaw niyang makita si Rafael dito.
Iniyuko niya ang ulo. Hindi niya alam kung ano ba talaga ang dahilan niya, pero sigurado siya na kapag nakikita itong ganoon at naaalala si Rafael, bumabalik ang sakit ang pag-asam sa puso niya. Hindi naman ganoon kadaling tanggalin ang isang tao sa puso mo, lalo na kung marami kang alaala kasama ito.
“Okay,” pagpayag nito.
Pagtingin niya dito ay nakatingin na ulit ito sa mga dokumentong hawak. Hindi niya tuloy mabasa ang ekspresyon sa mukha nito.
“Gagawin ko ‘yon,” pagpapatuloy nito, nakatutok lang ang mga mata sa papel. “Hindi rin naman ako sanay sa ganitong hairstyle. Um-attend lang ako ng isang conference meeting kanina kaya wala akong choice kundi ang gamitin ito.”
Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Gusto niyang humingi ng pasensiya dito, pero bago niya pa maibuka ang bibig ay nakarinig na sila ng katok mula sa pinto.
“Come in,” mabilis na utos ni Raffy.
Napatingin siya sa pinto nang pumasok doon ang isang babae. Pamilyar ito, hanggang sa makilala niyang ito ang babaeng iniligtas ni Raffy sa pagkalunod. Nagtataka niyang sinundan ito ng tingin hanggang sa makalapit ito kay Raffy. Anong ginagawa nito sa South Korea?
“Raffy Choi, right?” tanong ng babae kay Raffy. “Can you still remember me?”
Walang rekognisyon sa mukha ni Raffy. Mukha namang napansin din iyon ng babae.
“I’m Brianna Dornbusch,” pakilala nito. “You saved me last time when I was drowning at the beach in the Philippines.”
“Oh,” tumango si Raffy. “I see.”
Muli siyang tumingin sa babaeng nagpakilalang si Brianna. Tunay na maganda ito. Unang tingin pa lang dito ay malalaman mo na agad na isa itong modelo. She was taller than her by a few inches and her body had that curves that every man in the world would definitely die for. Mahaba ang buhok nito at may mukha na parang anghel na mayroong malalaking berdeng mga mata na napapalibutan ng makakapal at malalantik na pilik. Her skin was white and flawless. Halos perpekto na ito at lahat ng babae ay mai-insecure na makatabi ito.
“I personally came here to thank you,” narinig niyang pagpapatuloy ni Brianna. “I heard about what you did and I’m very grateful for that,” bigla itong humakbang palapit kay Raffy. “If you want something, just tell me. I want to pay you so bad.”
Mabilis niyang iniiwas ang tingin sa mga ito. May mas malalim na kahulugan ang sinabi nito, alam niya ‘yon.
“I’m good,” narinig niyang sagot ni Raffy. “Thank you, though.”
Narinig niya ang nang-aakit na tawa ni Brianna. “Oh,” anito. “I remember her.”
Alam niyang siya ang tinutukoy nito kaya muli niyang ibinalik ang tingin sa mga ito. Sinusuri na siya ni Brianna mula ulo hanggang paa.
“She’s one of the models that came in that beach, right?” tanong nito. “I just can’t recall her name,” muli nitong ibinalik ang tingin kay Raffy. “What’s your relationship with her?”
“I’m just one of his talents,” siya na ang sumagot niyon. Hindi niya na kayang manatili sa kuwartong iyon kaya nag-desisyon siyang iwanan na ang mga ito. “I need to go. I still have some errands to do,” pagkasabi noon ay tumungo na siya sa pinto.
Bago niya sarhan ang pinto ay nasulyapan niya pa nang hawakan ni Brianna ang balikat ni Raffy. Napabuntong-hininga siya at napailing. Sobra-sobra naman yatang pasalamatan ng model na iyon ang tagapag-ligtas niya.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy ChoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon