TEN-THIRTY na ng gabi pero nanatili pa rin sa tabi ni Raffy si Arrhea. Siya na lang ang naiwan sa loob ng kuwarto nito dahil pinauwi na muna ni Rafael ang mga magulang nito at ito naman ay nasa lobby kausap si Thaddeus habang hinihintay si Nathan. Hinawakan niya ang isang kamay ni Raffy at hinalikan iyon.
“Please, wake up,” bulong niya. “Ang sabi mo pakakasalan mo ako. Bakit nakahiga ka dito?” Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang pag-iyak. Hindi dapat siya umiyak sa harapan nito. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay nito. “I love you.”
Napatingin siya sa may pinto nang bumukas iyon at bigla siyang napatayo nang makita ang pagpasok ni Brianna. Tumaas ang galit niya pagkakita sa mukha nito. Ang kapal ng mukha nitong pumunta dito pagkatapos ng lahat ng ginawa nito.
Lumakad siya palapit dito. Napaismid siya sa nakikitang kalungkutan sa mukha ng babae. Alam niyang hindi iyon totoo.
“I heard about what hap—”
“You’re really thick-skinned, huh?” putol niya sa sinasabi nito.
Nagkunwa itong nagtataka sa sinabi niya. Ang kapal talaga ng mukha nito.
“You’re the reason for all of these,” gusto niyang sigawan ito pero hindi puwede. Nasa loob siya ng kuwarto ni Raffy.
“What are you saying?” tanong pa nito.
“Stop denying, Brianna,” galit na galit na siya. “You sent a gift for me. A bomb, to be exact. You tried to kill me and you’re here because you didn’t expect that Raffy would be the one hurt because of your actions.”
“H-How can you say that?” umismid pa ito. “You have no evidence—”
“I do,” putol niya muli sa sinasabi nito. “You think you can run away from this unscathed? The delivery boy already pointed you as the one who sent the gift,” nakita niya ang pagdaan ng takot sa mga mata nito. “And one more thing, I kept the card on that gift. All we’re waiting for is the result of finding your fingerprints there and you’re done.”
Namutla ang mukha ni Brianna pagkarinig sa mga sinabi niya. Aktong tatalikod na ito nang bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang pulis at si Nathan.
“Ms. Brianna Dornbusch, you are under-arrest for attempted murder of Ms. Arrhea Aguirre that results to physical injuries of Mr. Raffy Choi and some of the staffs involved in the explosion,” wika ni Nathan. Mabilis naman ang naging pagkilos ng mga pulis na kasama nito at agad na hinawakan si Brianna at pinosasan.
Nagpumiglas pa ito at patuloy na itinatanggi ang mga ibinibintang sa kanya. “Let me go!” sigaw nito. Muli itong tumingin sa kanya, puno ng talim ang mga mata. “You bitch, how dare you—” hindi na nito natapos ang sinasabi nang sampalin niya ng buong lakas ang mukha nito. Matagal niya ng gustong gawin iyon. Hindi pa sapat iyon sa lahat ng ginawa nito.
Pagkalabas ng mga ito ay muli siyang bumalik sa tabi ni Raffy at muling hinawakan ang kamay nito. Pakiramdam niya ay naubos ng lahat ang enerhiya niya. Tinitigan niya ang natutulog na mukha ni Raffy.
Muli niyang hinalikan ang kamay nito at pumikit. “God, please… parang awa niyo na… kailangan ko siya. Mahal na mahal ko siya,” panalangin niya. Alam niyang ang Diyos lang ang tanging makakatulong sa kanya ng mga oras na iyon. He would without doubt hear her plea, she believed in Him so much.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy Choi
Romansa"Bakit kung anong pinaka-gusto mo ay hindi mo makuha?" tanong niya dito. Naparami na yata ang nainom niya kaya nagawa niyang makipag-usap sa taong ito. Arrhea Aguirre, a very famous model and actress in South Korea. Hindi niya kailangan ang pagigin...