Chapter 18.3

3K 56 0
                                    

PASADO alas-otso na ng gabi nang makatanggap si Arrhea ng text mula kay Raffy na nagsasabing nasa Seoul na ito at nasa opisina. Kadugtong niyon ang tanong kung ano ang nangyari at may lumabas na balita tungkol sa relasyon nila.
Hindi niya na ito sinagot at nag-desisyong puntahan na lang ito. Tutal naman alam na ng publiko ang tungkol sa relasyon nila, puwede na siyang pumunta dito kahit anong oras. Napatingin siya sa manager niya nang lumapit ito sa kanya.
“Are you going to him?” nagdududang tanong nito. Kanina pa niyang nai-kuwento dito ang lahat at hindi pa rin ito makapaniwala.
Ngumiti siya at tumango. Kinuha niya ang purse at tinungo ang pinto.
“I’m going with you,” harang nito.
Mabilis siyang umiling. “I want to go alone. Go back to your apartment and get some sleep. I’ll talk to you again tomorrow,” iyon lang at tuluyan na siyang lumabas at tumakbo palayo para hindi na siya nito masundan.
Pagkarating sa agency ay lakas-loob siyang pumasok sa loob. May ilang empleyado at talents pa rin ang naroroon. Nakatingin ang mga ito sa kanya. Hindi niya na pinagtuunan ng pansin ang mga ito kahit pa mag-bulungan pa ang mga ito.
Malapit na siya sa opisina ni Raffy nang makasalubong niya pa ang bruhang Brianna na iyon. Bakit ba kung makalakad ito sa agency nila ay parang ito ang may-ari niyon?
Humarang pa ito sa dinaraanan niya. Masama pa ang tingin nito sa kanya. “You’re so thick-skinned woman,” sabi nito.
“Brianna, come on,” aniya. “I don’t wanna argue with you.”
“Don’t act like a good girl, bitch,” dinuro pa siya nito. “Remember this, I’m not going to let this go. I’m going to destroy you, for sure. I’m going to have him in any means,” pagkatapos ay lumakad na ito palayo.
Napailing na lang siya habang nakasunod ang tingin dito. Baliw na nga talaga ang babaeng iyon. Nagpatuloy na lang siya sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa opisina ni Raffy.
Nakasalubong niya pa si Andrew na agad na napangiti nang makita siya. “Si President— oh, mali, ang boyfriend mo ay nasa loob,” pang-aasar pa nito. “Pumasok ka na.”
Umiling na lang siya at pumasok sa loob. Pagkapasok niya ay nakita niya pa ang pagkagulat ni Raffy sa pagdating niya. Nililinis na nito ang mesa nito. Nakasuot ito ng cream na polo at puting pantalon. He looked so handsome and hot in that.
“Arrhea,” nasa harapan na niya ito agad. Tumingin ito sa kanya ng may pag-aalala sa mukha. “Aalis na sana ako at pupuntahan ka. Bakit hindi mo sinasagot ang message ko?” ikinulong nito ang mukha niya sa dalawang kamay nito. “Ayos ka lang ba?”
Tumango siya at niyakap ito. Kumunot pa ang noo niya nang mapansin ang sugat sa gilid ng labi nito. “Anong nangyari diyan?” tanong niya.
Hinawakan nito ang nasugatang labi at kumibit. “Wala ‘to,” anito.
Kumunot ang noo niya. “Si Kuya ba ang may gawa niyan?” tanong niya. Nang hindi ito sumagot ay tumango siya. “Sinasabi ko na nga ba,” marahan niyang hinaplos ang sugat. “Masakit ba?”
Umiling na lang ito at ngumiti. Pagkatapos ay may itinaas ito mula sa bulsa nito. Iyon ang susi nito sa society. “Itago mo na ulit,” bulong nito.
Ngumiti siya at kinuha ang susi. Ipinasok niya iyon sa bulsa ng suot na jacket. “Nag-taxi ako papunta dito,” sabi niya. “Puwede mo ba akong ihatid pauwi?”
Ngumiti ito at ginawaran ng mabilis na halik ang mga labi niya. “Sure, kukunin ko lang ang coat ko,” lumayo ito sa kanya at kinuha ang coat na nasa sandalan ng upuan nito. Lumapit siya dito at tinulungan itong isuot iyon.
“Wala kang gloves?” tanong niya dito. Napalabi siya. “Bakit hindi mo dinala ‘yong regalo ko?” tukoy niya sa Pororo scarf and gloves na binigay niya noon.
“Naiwan ko sa bahay,” sagot nito.
“Gusto mo bang ibigay ko sa’yo ang gloves ko? Malamig pa sa labas,” aniya. Balot pa rin ng snow ang buong paligid kaya sobrang lamig pa rin.
Tumawa ito at kinuha ang isang glove niya. “Puwede mong ibigay sa akin ang isa,” isinuot nito ang glove sa kaliwang kamay at hinawakan ng kanan nito ang kamay niyang walang suot na glove. “It’s warm, right?”
Ngumiti siya at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay nito. Lumabas siya ng opisina ng magkahawak-kamay at hindi siya nahihiya doon. Hindi na lang nila pinansin ang mga taong sunod ang tingin sa kanila – ang ilan ay kumukuha pa ng larawan. Masaya siya dahil nagagawa niya na ito sa publiko ngayon kasama ito.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy ChoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon