HINDI alam ni Arrhea kung bakit ganoon na lang ang pag-aalalang nasa mukha ng manager niya habang naglalakad sila sa loob ng agency nila. Hindi niya din alam kung bakit dito siya nito dinala sa halip na sa filming site ng drama niya, mas lalo pa siyang nagtaka nang tumigil sila sa tapat ng opisina ni Raffy.
Napatingin siya dito. “What are we doing here?” tanong niya. Nakabalik na ba agad ito mula sa Japan? Ano naman ang kailangan nilang pag-usapan?
“He wants to talk to you,” sagot nito bago tumalikod.
“Wait,” hinila niya ito sa braso para pigilan sa pag-alis. “W-Why?” Bakit siya lang ang gusto nitong kausapin? “How about you? W-What happened?” unti-unti na siyang kinakabahan sa mga ikinikilos nito.
“Just go in, Arrhea,” iyon lang at binawi na nito ang brasong hawak niya at umalis.
Naiwan siya doong nakatulala at hindi alam ang gagawin. Bakit gusto siyang kausapin ng boss nila ng mag-isa? Nalaman na ba nito ang problemang ginawa niya? Hindi ba ang sabi naman ni Da Seul ay naayos na nito ang lahat?
Humugot siya ng malalim na hininga. Matagal niya ding hindi nakikita ito at hindi pa siya handang makaharap ulit ito, pero kailangan niyang umaktong propesyonal sa harap nito. Ayaw niyang pagtawanan nito.
Hinakot niya ang lahat ng lakas ng loob at kumatok.
“Come in,” may awtoridad sa boses nito, palagi naman.
Marahan niyang binuksan ang pinto at pumasok sa loob. Nakita niya itong nakaupo sa swivel chair nito, nakatingin sa ilang papeles na nasa mesa nito. Wala namang nagbago malibang sa bagong kulay ng buhok nitong golden-brown. He still looked so serious and menacing.
Ilang sandali lang ay tumingin ito sa kanya at tumayo.
“Sinabi ni Da Seul na gusto mo akong makausap,” sabi niya, iniiwasan ang mga mata nito. Hindi niya gustong makausap o tingnan man lang ito pero wala siyang ibang pagpipilian.
“Have a seat,” itinuro nito ang settee na naroroon.
Lumakad siya papunta sa settee at naupo doon. Ilang sandali lang ay sumunod ito at umupo sa tapat niya. May ipinatong itong folder sa ibabaw ng mesang nasa harap nila.
“Narinig ko ang nangyari,” panimula nito. Tinutukoy nito ang hindi niya pagsulpot sa photo shoot ng drama niya.
“I’m sorry,” seryosong wika niya. Alam niyang mali ang ginawa niya at tatanggapin niya ang lahat ng sasabihin nito. “Plano ko ngang makipagkita sa direktor ngayon, pero dito ako dinala ni Da Seul kaya—”
“Hindi na kailangan,” putol nito sa sinasabi niya.
Napatingin siya dito. Anong sinasabi nito? “B-Bakit?”
Binuksan nito ang folder na nasa ibabaw ng mesa at bahagyang iniusod palapit sa kanya. “Kinansela na nila ang kontrata mo kagabi. Nais ni Director Song na bitawan mo na ang role. Sinubukan kong kausapin siya pero sinabi niyang may nahanap na silang papalit sa’yo. Sinabi nilang ayaw na nilang mag-delay pa ng oras para sa’yo.”
Hindi niya magawang paniwalaan ang sinabi nito. Gusto nilang umalis siya sa drama? Ginawa niya ang lahat ng preparasyon para sa role niya tapos ganito lang kadali sa kanila ang tanggalin at palitan siya? “I-I was just—” napatigil siya. Hindi niya alam ang sasabihin. Anong dapat niyang sabihin? Na isang beses lang naman siyang hindi tumupad sa schedule, tatanggalin na kaagad siya? Napailing siya. Siya ang may mali dito, wala siyang karapatan na mag-dahilan.
Iniyuko niya ang ulo para hindi nito makita ang nagbabantang luha sa mga mata niya. Wala na siyang mukhang maihaharap dito. Siguro ay pinagtatawanan na siya nito ngayon sa loob-loob nito. “I-I’m sorry…” bulong niya.
Lahat ng articles tungkol sa kanya ay mukhang totoo nga. Na isa lang siyang modelo na nagpupumilit na maging actress. Sigurado siyang pagpi-piyestahan na naman ng press at magazines ang pangalan niya. At ngayon ay mada-dagdagan pa iyon ng kawalan niya ng manners dahil sa hindi niya pag-tupad sa isang appointment.
Bumuntong-hininga siya. “Nanatili na lang dapat ako sa modeling, hindi na sana ako naka-puwerhisyo pa ng mga tao. Dapat naging mas responsable ako.”
Naramdaman niya ang pagtayo nito at pagbalik sa working desk nito. “Huwag kang mag-alala,” sabi nito. “Everything will settle on its own.”
Tumingin siya dito at nakita itong nakaupo na ulit sa swivel chair nito. Nakasandal ang ulo nito sa headrest ng upuan. Mukhang pagod na pagod ito at nakaramdam siya ng guilt dahil doon.
“Marami pa naman opportunities na puwedeng dumating,” pagpapatuloy nito. “Baka hindi talaga para sa’yo ang drama na ito.”
Napatitig siya dito. Ganito ba talaga ito kapag pagod? Bakit hindi na lang siya nito pagalitan? Tatanggapin niya naman iyon. Hindi siya sanay sa ganitong side nito.
Tumayo siya at lumakad palapit sa mesa nito. Malakas niyang pinukpok ang ibabaw ng mesa. “Bakit hindi mo na lang ako sigawan?!” tanong niya, hindi niya alam kung bakit nagagalit siya sa ipinapakita nito.
Kitang-kita niya ang pagtataka sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya.
“Alam ko namang galit na galit ka sa akin ngayon. Alam ko sa loob-loob mo, sinisisi mo ako sa pagdadala ng problema sa trabaho mo. Just laugh at me for being incompetent, for being stupid, for making you tired and for being not too good. Stop acting nice and cool, alam kong galit na galit ka sa akin ngayon,” tuluyan ng nawala ang pasensiya niya. Bakit? Dahil kino-konsensiya siya nito sa pagpapakita na parang walang nangyari! Napakagaling nitong manloko.
Sa wakas ay nakita niya na ang pagsiklab ng galit sa mga mata nito nang bigla itong tumayo. He was now towering her. Nakatingala na siya dito at ang working desk na lang nito ang pagitan nila.
Itinaas niya ang noo. Lumabas na rin ang tunay na pagkatao nito. Alam niyang magsisimula na itong isisi sa kanya ang lahat. Mas mabuti na ang ganoon, sanay na siya sa ganitong ugali nito.
Sumisigaw ng galit ang dark brown na mga mata nito ng ilang sandali bago iyon lumambot at nagpakita ng sa tingin niya ay pagka-awa. Napaatras siya. Anong ginagawa nito? Naaawa ba ito sa kanya?
“Hindi kita sinisisi,” sabi nito sa mababang tinig. “At hindi ko gagawin ‘yon. Oo nga at kasalanan mo din ang nangyari, pero hindi ka dapat mag-doubt sa sarili mo sa mga bagay na nais mong gawin. Kung may mangyaring masama sa trabaho ko, kasalanan ko iyon. Dahil ako ang nagpapatakbo nito at nagde-desisyon.”
Napayuko siya. Tumulo na ang luha sa mga mata niya. Hindi niya alam kung ano ang isasagot dito samantalang kanina lang ay handang-handa siyang kalabanin ito.
“Hindi kita pinagtatawanan,” dagdag nito. “Alam ko ang nararamdaman mo, but you’re not incompetent, stupid and I don’t need someone who’s too good at something. I, myself, am not good as well. Dahil kung magaling ako, hindi mangyayari ang bagay na ito. In every task, in every aspect, remember that no one does it better.”
Tahimik niyang pinahid ang mga luha. “I’m sorry…” iyon lang ang masasabi niya. Iyon lang ang naiisip niya.
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. “Mag-bakasyon ka na muna,” utos nito.
Bigla siyang napatingin dito. Gusto siya nitong pag-bakasyunin? Bakit?
“Magpahinga ka, Aguirre,” pagpapatuloy nito. “Tulad ng sabi ko, everything will settle on its own. At alam kong kailangan mo rin ng pahinga dahil sa mga pangyayari.”
Alam niyang hindi lang ang pagkatanggal niya sa drama ang tinutukoy nito, kundi pati na rin ang tungkol sa kasal ni Rafael.
“Sige na,” sumulyap ito sa kanya. “Bumalik ka na lang kapag handa ka na uling mag-trabaho.”
Tinitigan niya ito. His elegant face showed that he meant everything he said, pero bakit ito ganoon? Ganoon din ba kalaki ang epekto ng paghi-hiwalay nito at ni Ashlee dito?
Tumango na lang siya at bumanggit ng seryosong pasasalamat bago nilisan ang opisina nito. Nakagat niya ang pang-ibabang labi, nagi-guilty siya sa lahat ng nasabi. Bakit ba siya umaarte na parang siya lang ang nasasaktan? Dapat ay iniintindi niya rin ang nararamdaman ng iba. Hindi lang naman siya ang naiwanan at nasaktan, hindi ba?
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy Choi
Romance"Bakit kung anong pinaka-gusto mo ay hindi mo makuha?" tanong niya dito. Naparami na yata ang nainom niya kaya nagawa niyang makipag-usap sa taong ito. Arrhea Aguirre, a very famous model and actress in South Korea. Hindi niya kailangan ang pagigin...