Chapter 1.5

3.3K 51 0
                                    

ISINUBSOB niya ang mukha sa dalawang kamay at doon humagulhol ng pag-iyak. Nasa loob na siya ng sasakyan niya, doon niya ibinuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman.
Hindi niya alam na ganito ang madadatnan niyang sitwasyon pagbalik niya dito. Hindi dapat ito ang nangyayari, hindi ito tama.
Bakit? Bakit kailangang mangyari ito? Akala niya makakabuti ang engagement nina Raffy at Ashlee pero mukhang iyon pa ang naging dahilan para makalapit si Rafael dito. Hindi dapat ito ginagawa ni Rafael sa sarili nito. Hindi nito dapat sinasaktan ang sarili nito. Matagal niya ng alam ang itinatagong pagtingin nito kay Ashlee, matagal niya ng gustong palitan ang babaeng iyon sa puso nito. Kahit hindi nito inaamin sa kanya ay nararamdaman niya iyon simula ng mga bata pa sila.
Naalala niya pa ang unang araw nang matutunan niya ang itinatagong pagtingin nito kay Ashlee…
…Naglalakad siya paakyat sa second floor ng mansiyon ng mga Choi para pumunta sa kuwarto ni Rafael nang makasalubong niya sa hagdan ang kakambal nitong si Raffy.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong nito.
Tiningnan niya ito ng masama. “Hinahanap ko si Rafael. Bakit ba?”
Umiling lang ito at nagpatuloy na sa pagbaba. “Ang bagal mong umakyat,” narinig pa niyang bulong nito.
Ngali-ngaling ibato niya dito ang hawak na story book. Napakasama talaga ng ugali nito! Ipinagpatuloy niya na ang pag-akyat, hinihingal pa siya nang makarating siya sa itaas. Bakit ba kasi ang taas-taas ng hagdan dito?
Mabilis siyang tumakbo papunta sa kuwarto ni Rafael at pumasok doon. Nagtaka pa siya nang makitang walang tao doon. Nasaan kaya ito?
Napabuntong-hininga siya. Lumabas na siya ng kuwarto nito at naglakad pabalik sa hagdan. Napatigil siya nang mapansin ang bahagyang nakaawang na pinto ng kuwarto ni Raffy. Marahan siyang lumapit doon at sumilip. Nakita niya si Ashlee na natutulog sa kama, pero ang ipinagtaka niya ay kung bakit nakatayo sa gilid ng kama na iyon si Rafael. Nakatitig ito kay Ashlee ng ilang sandali bago inabot ang kumot at kinumutan ito. Pinulot pa nito sa sahig ang nagpatak na teddy bear ni Ashlee at inilagay sa tabi nito.
Nanlaki ang mga mata niya nang makitang yumuko ito at hinalikan ang noo ni Ashlee. Kinagat niya ang pang-ibabang labi, bakit nito iyon ginagawa dito? Hindi niya maintindihan ang sakit na nararamdaman habang nakatingin sa mga ito.
Nanatili siyang nakatayo doon hanggang sa lumakad ito palapit sa pinto. Nagulat pa ito nang makita siya doon.
“Do you like her, Rafael?” tanong niya dito.
Nag-iwas ito ng tingin at nilampasan siya, naiinis siyang sumunod dito.
“She likes Raffy!” sigaw pa niya.
Tumigil ito at humarap sa kanya. May kalungkutan na sa mga mata nito. “Alam ko,” bulong nito bago muling tumalikod at lumakad palayo.
Naiinis siyang napaupo sa sahig at ibinato ang hawak na story book. Tiningnan niya ng masama ang kuwarto ni Raffy. Ano bang ginawa ng Ashlee na iyon para magustuhan ito ni Rafael kaysa sa kanya?...
Galit na galit niyang pinukpok ang manibela ng sasakyan. “Bakit?!” galit na sigaw niya. “Bakit, Rafael?! Bakit patuloy mo pa rin siyang minamahal? Ni hindi ka nga nakikita ng babaeng ‘yan!” Bakit patuloy pa rin itong gumagawa ng mga bagay na makakapagpa-sakit dito? Hindi naman napapansin ni Ashlee ang lahat ng ginagawa nito. Bakit hindi na lang siya? Mahal na mahal niya naman ito, bakit?
Galit na galit niyang tinuyo ang mga luha. Kasalanan ito ni Raffy! That bastard! Napaka-walang-kuwenta nitong tao para iwanan ang fiancée sa pangangalaga ng sarili nitong kakambal. Wala na ba itong isip?!
Pinaandar niya ang sasakyan. Kailangan niya gumawa ng paraan para matigil na ang kalokohang ito. Kung kailangang kausapin niya si Raffy ay gagawin niya, wala na siyang pakialam kung humantong pa sa away ang pag-uusap na iyon.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy ChoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon