NANG sumunod na araw, napag-pasyahan niyang bisitahin uli si Raffy sa opisina nito. Gusto niya pa ring humingi ng tawad sa nagawa at nasabi niya ng nagdaang gabi. Alam niyang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya tungkol sa buhok nito at sa pag-halintulad niya dito kay Rafael. Nakaramdam siya ng guilt sa buong magdamag kaya siguro hindi kaagad siya nakatulog. Alas-nueve ng gabi ng tumungo siya doon pagkatapos ng schedule niya at siguradong tapos na rin ang working hours ng mga ito.
Pagkarating doon ay agad siyang pumasok sa opisina nito nang hindi kumakatok. Nakita pa niya ang pagkagulat nito pagkakita sa kanya, maging siya ay nagulat din sa nakitang ayos nito. Nakasuot pa rin ito ng business suit nito, nakabukas nga lang ang tatlong butones ng light-blue na polo nito na nagpapakita ng matipunong dibdib nito. May hawak pa itong bola ng basketball. Nakababa na rin ang itim nitong buhok, katulad ng dati.
Iniyuko niya ang ulo, kumatok muna dapat siya. “P-Pasensiya na.”
She heard him dribbling the ball he was holding. “Ayos lang,” sagot nito. “Upo ka.”
Muli siyang tumingin dito at nakita itong nakaupo na sa couch. Sumunod na lang siya at umupo sa katapat na couch. Tumikhim muna siya. “So, naglalaro ka ng basketball?” tanong niya.
“Yeah,” tumango ito at pinaikot ang bola sa isang daliri. “Ito lang ang past time ko. Anong nagdala sa’yo dito?”
Pinigilan niya ang sariling huwag tingnan ito ng diretso. Bakit ba hindi pa nito bino-butones ang polo nito? Nahihirapan tuloy siyang makipag-usap dito. Tumikhim siya at itinuon ang mga mata sa sariling palad. “Gusto ko sanang humingi ng tawad sa nasabi ko kagabi,” panimula niya. “Hindi ko dapat sinabi ‘yon.”
“Ayos lang ‘yon,” sagot nito. “Oh,” napatingin ito sa kanya at inilagay ang hawak na bola sa sahig. “May offer kang isang drama role, nakalimutan ko lang sabihin sa manager mo kanina. Si Director Park Min Ho ang magda-direct niyon, isang romance-comedy. Gusto mo bang humingi na tayo ng script?”
“Drama?” napaisip siya.
“Yeah, at isang commercial shoot kasama si Michael de Angelo. Sa katapusan na iyon ng buwan. Ano sa tingin mo?”
Ilang sandali siyang nanatiling tahimik, nagde-desisyon kung tatanggapin ang parehong offer. Bumuntong-hininga siya at tumingin dito. “Tatanggapin ko ‘yong sa commercial shoot. Pero ‘yong drama…” she bit her lower lip. “Hindi ko alam kung kaya ko nga bang gawin ‘yon. I mean, baka tama ang ibang tao na hindi talaga ako bagay sa pag-arte,” umismid siya. “Kahit sa pagmo-modelo.”
Kumunot ang noo nito. “Nawawala na ba lahat ng kumpiyansa mo ngayon, Arrhea?” tanong nito. “Dahil lamang sa isang simpleng pagkakamali at sa salita ng mga tao?”
Marahan siyang umiling. “Hindi, pero—”
“Look,” putol nito. Tumingin siya dito at nakita ang matiim na pagtitig nito sa kanya. “Remember, you are beautiful no matter what they say. You can do anything you want no matter what others say,” sabi nito sa mahinang boses.
At muli na naman siyang nawala. Everytime he stared like that, she suddenly felt important. Pero alam niyang hindi iyon ang kaso. Pinipilit lang nitong maging magandang company para sa kanya.
Iniiwas niya ang mata dito at pinilit ang sariling ngumiti para mabawasan ang tensiyon na nararamdaman. “Hindi ako nawawalan ng kumpiyansa,” pag-iiba niya sa usapan. “Hindi pa lang ako… handang um-acting ulo,” tumango-tango pa siya. “That’s it.”
Tumango na lang din ito. “So, tatanggapin mo na iyong commercial shoot?” pangungumpirma nito.
Tumango siya. “Kasama ko doon si Michael de Angelo, tama? Iyong sikat na Hollywood actor? Kaibigan mo siya, hindi ba?’
“Yeah, sa New York ang shoot noon,” imporma nito.
“That’s great,” wika niya. Bigla siyang na-excite na tumungo sa New York para mag-trabaho, at siyempre, kung posibleng mag-enjoy rin. “Puwede ba akong mag-shopping doon?” tanong niya dito. Sana naman ay pumayag ito, matagal-tagal na din siyang hindi nakakapag-shopping.
Ilang sandali itong napaisip bago tumango. “Sige, kung iyon ang gusto mo.”
Lumawak ang pagkaka-ngiti niya. “Salamat. Gustong-gusto ko na talagang makapag-shopping uli at New York ay napaka-gandang lugar para doon,” huminto siya. “Pagkatapos, puwede rin akong mag-bakasyon at makita ang—”
“W-W-Wait,” putol nito sa pagpa-plano niya. “Bakasyon?” ulit nito sa sinabi niya. “If you think you can go shopping in New York and then plan a vacation after that, I don’t think that’s going to be possible,” dugtong nito. “You can’t have your cake and eat it too.”
Napalabi siya. “I’m sorry. Masyado lang akong na-excite.”
Tumawa ito. “Maraming oras para diyan kapag natapos mo na ang trabaho mo.”
Masunurin siyang tumango at sumandal sa sofa. Gusto niya talagang mag-sightseeing sa New York City.
“Pupunta rin ako doon,” pagpapatuloy nito.
Napatingin siya dito. “Sa New York?”
Tumango ito.
“Bakit?”
“Mayroon kasing problema sa RC Publishing Company ko doon. Kailangang ako mismo ang tumingin doon,” sagot nito.
“Ah,” naalala niya ang isa pa nitong business – isang publishing company sa New York. Napaka-workaholic talaga nito. Hindi na ba talaga nito magagamot iyon? Napaangat ang likod niya sa sandalan ng upuan nang may maalala. “Oo nga pala, kumusta ‘yong model na iniligtas mo sa pagkalunod?” inalala niya ang pangalan nito. “Brianna?”
Bumuntong-hininga ito at ngumiti. “Hindi ko alam. Sinabi niyang sobra-sobra siyang nagpapa-salamat at gusto talaga akong mabayaran. Kaya mananatili muna siya dito,” napailing pa ito. Halatang-halata na hindi nito gusto ang plano ni Brianna na manatili dito.
Napangiti siya. “She likes you?” it was actually a statement. Obvious naman sa babaeng iyon na type nito si Raffy.
Nagkibit ito. “Siguro,” iiling-iling pa ito. “Hindi ko na lang dapat siya iniligtas,” biro nito at sinabayan ng pagtawa.
Hindi niya napigilan ang sariling tumawa kasabay nito. Mukhang ubod ng saya nito kapag tumatawa, baka dahil sa dalawang malalim na dimples sa mag-kabilang pisngi nito at ang ngumingiti din nitong mga mata. “Siguradong walang balak iyong pakawalan ang savior niya,” dagdag biro niya pa.
Ini-iling nito ang ulo. “Maaayos din ang lahat. Sanay na ako sa mga ganoong klase ng babae,” pagyayabang pa nito.
Pinagtaasan niya ito ng kilay. “Talaga? Titingnan natin.”
Ngumiti ito. “Gusto mo bang mag-kape?” alok nito.
“That would be great,” ngumiti siya, mukhang matatagalan pa ang usapan nila kaya pumayag na rin siya.
Tumayo ito sa tumungo sa pinto.
“Lalabas ka?” tanong niya na nakapag-patigil dito.
Tumango ito.
“Sa ganyang… ayos?” Sa isipan niya lang dapat iyon, hindi sinasadyang nai-wika niya iyon.
Tumingin ito sa suot na damit. “Oh, nakalimutan ko,” tukoy nito sa polo nito na hindi maayos ang pagkaka-butones. Ibinutones nito iyon pataas at tumingin sa kanya. “Thanks for reminding me,” ngumiti ito at lumabas.
Pagkalabas nito ay mahina niyang pinagalitan ang sarili. Bakit niya ba sinabi ‘yon? Marahan niyang pinukpok ang ulo. Stupid. Stupid. Ano na lang ang iisipin nito?
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy Choi
Romansa"Bakit kung anong pinaka-gusto mo ay hindi mo makuha?" tanong niya dito. Naparami na yata ang nainom niya kaya nagawa niyang makipag-usap sa taong ito. Arrhea Aguirre, a very famous model and actress in South Korea. Hindi niya kailangan ang pagigin...