“COME in,” wika ni Arrhea kay Raffy pagkabukas niya sa pinto ng apartment niya.
Napatingin ito sa kanya at umiling. “Hindi na,” tanggi nito. “Kailangan ko na rin namang bumalik sa opisina.”
Ngumiti siya. “Na naman? Opisina na lang ba ang alam mong puntahan? Huwag mo sabihing doon ka na rin natutulog?” biro niya pa.
Nang hindi ito sumagot ay nagpatuloy siya. “Mag-tsa-a ka muna bago umalis, bilang pasasalamat sa pagsama mo sa akin,” pagkatapos ay pumasok na siya, sumunod naman ito sa kanya. “Upo ka.”
Pagkaupo nito sa couch na naroroon ay dumiretso na siya sa kusina para ipag-timpla ito ng maiinom. Ilang minuto lang ay nakabalik na siya sa living area dala ang dalawang tasa ng green tea. Inilagay niya iyon sa mesa at umupo sa katapat nitong couch.
“Hindi mo kasama dito ang manager mo?” tanong nito.
Uminom muna siya bago sumagot. “Sa ibaba siya tumutuloy. Kailangan ko rin naman ng privacy, kahit sa sarili ko man lang na tirahan.”
Tumango ito at ininom ang sarili nitong inumin.
“Gusto mo ba ng makakain?” tanong niya matapos ang ilang sandaling katahimikan. “May natira pa yata akong pagkain sa microwave. Filipino dish ‘yon, gusto mo ba?”
Tumingin ito sa kanya at umiling. “Hindi ako kumakain ng Filipino dish. I mean, hindi ako sanay. Mas matagal kong inilagi ang buhay ko dito sa South Korea kaysa sa Pilipinas.”
Tumango siya. “Masarap naman ‘yon. Subukan mo minsan,” aniya.
Ngumiti lang ito at pareho pa silang nagulat sa biglaang pagtunog ng cell phone nito. Kinuha nito iyon sa bulsa ng coat nito at sinagot.
“Stacey?” sagot nito. He stood up and excused himself. Tumango na lang siya at itinutok ang pansin sa iniinom.
Sumulyap siya dito. Stacey? Stacey Stewart? Magkakilala pala talaga ang mga ito? Naalala niya ang araw nang una niyang makilala si Stacey Stewart – mahigit isang taon na iyon, noong nagkaroon ng fashion event ito dito sa Seoul. Napili siya para maging modelo ng designs nito. Pero ni minsan ay hindi siya nagkaroon ng pagkakataong makausap ito ng matagalan, kaya hindi niya talaga ito ganoong kakilala – maliban sa mga articles tungkol dito. Kahit na halos lahat ng article ay patungkol sa player personality nito, hindi niya rin naman agad pinaniniwalaan ang lahat ng mga nababasa niya dahil alam niya ang takbo ng buhay ng nasa entertainment industry.
Naputol ang pag-iisip niya nang muling bumalik si Raffy sa kinauupuan nito kanina.
Tumingin ito sa kanya. “That’s Stacey Stewart,” imporma nito. “Ang sabi niya ay next month na daw ang dating ng mga designs niya dito sa Seoul, medyo na-delayed ng konti. Siya na rin daw ang bahala sa magiging photographer para sa shoot. May ilang models din ang kumpanya nila na dadating dito. Hindi siya makakarating dahil may inaasikaso pa daw siyang costume designs para sa isang movie doon.”
Tumango siya. “Sayang naman, gusto ko pa naman siyang makita ulit. Mukhang matagal na kayong magkaibigan, ah?” aniya. “Personal ka pa niyang kinontak.”
“Ex-girlfriend ko siya,” sabi nito.
“Really?” hindi makapaniwalang tanong niya. “I didn’t know that,” napailing pa siya. “Mukhang wala talaga tayong alam tungkol sa isa’t isa. Isipin pa na mga bata pa lang ay magkakilala na tayo.”
Tumango ito at ngumiti. “Yeah,” inubos na nito ang inumin nito, at muling pumasok ang katahimikan.
“Salamat sa inumin,” dugtong nito.
“Wala ‘yon,” sinubukan niyang humanap ng salitang masasabi. Medyo nagiging awkward na ang atmosphere. “Oo nga pala, can we drop formalities?” she blurted out. “I-I mean, kapag nagsasalita tayo ng Korean,” nagsimula na siyang mautal.
Ngumiti ito at napailing.
Tiningnan niya ito, nagmamakaawa ang mga mata. Wala namang masama sa hinihiling niya, di ba? Magkalapit lang naman ang edad nila – twenty-six siya at twenty-nine ito. Ayos lang na ibaba na nila ang formalities at subukang magkasundo, ‘di ba? “Puwede ba?” tanong niya uli.
Tinitigan lang siya nito ng mahabang sandali. “Your eyes are beautiful,” bulong nito, galing sa kawalan.
Bigla siyang natigilan sa sinabi nito. Hindi niya iyon inaasahan kaya bigla niyang naiiwas ang tingin dito.
Ilang sandali ang lumipas, narinig niya ang pagtikhim nito. “I-I’m sorry about that,” paghingi nito ng paumanhin. “Hindi ko—” bumuntong-hininga ito. Napatingin siya dito nang bigla itong tumayo. “K-Kailangan ko ng umalis. Magpahinga ka na,” iyon lang at dumiretso na ito sa may pinto.
Awtomatiko siyang natayo. “W-Wait,” pagpapatigil niya dito. Dapat niya ng tanggalin ang awkwardness sa pagitan nila. Sigurado namang sinabi lang nito iyon dahil gusto na rin nitong maging maayos ang samahan nila. Dapat na pilitin niyang maging mabait din dito. Hindi pa naman huli para alisin ang hindi pagkaka-unawaan sa pagitan nila. Para na silang aso’t pusa simula pa pagkabata, oras na siguro para baguhin iyon.
Muli itong lumingon sa kanya. Mabilis niyang dinampot ang Pororo scarf nito na naiwan sa couch na inupuan nito. Lumapit siya dito at iniabot iyon dito. “Huwag mong kalimutan ‘to,” paalala niya. “Maraming salamat sa compliment,” tukoy niya sa sinabi nito kanina.
Kinuha nito ang scarf at muling ipinulupot sa leeg nito. Ngumiti ito. “You’re welcome. Good luck sa trabaho mo.”
Tumango siya at sinamahan ito palabas ng apartment niya. Pagkaalis nito ay agad na siyang dumiretso sa kama para magpahinga. Naging mahaba ang gabi niya at nais niya ng magpahinga.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy Choi
Romance"Bakit kung anong pinaka-gusto mo ay hindi mo makuha?" tanong niya dito. Naparami na yata ang nainom niya kaya nagawa niyang makipag-usap sa taong ito. Arrhea Aguirre, a very famous model and actress in South Korea. Hindi niya kailangan ang pagigin...