Chapter 12.5

2.8K 51 0
                                    

NAPAPANGITI si Arrhea habang hinihigop ang soup na nasa harap. Sa wakas, sa pagkahaba-habang panahon, nagkaroon na rin sila ng hapunang magkakasama. Napaka-gandang araw talaga ngayon para sa kanya. Kahit na medyo awkward pa ang Kuya at stepmom niya – dahil alam niyang hindi naman talaga tanggap ng Kuya niya ang nangyari sa Mama nila at ang pagpapakasal ng Papa nila sa bago nitong asawa, naging maayos pa rin naman ang hapunan.
Pagkatapos ng dinner ay dumiretso siya sa poolside at nakita ang kapatid doon. Mukhang malalim ang iniisip nito kaya tahimik lang siya na tumabi dito.
Napansin siya nito. “Mukhang mas ayos ka na kaysa noong huling dumalaw ako dito,” komento nito.
She smiled. “Dahil sa trabaho, siguro,” sagot niya, alam niyang may nakatagong tanong sa sinabi nito. “Dahil doon nakalimot ako. Marami na rin kasing ibinibigay na work si Raffy.”
Tumango ito at muling ibinalik ang tingin sa unahan. “Mukhang magkasundo na kayo ni Raffy ngayon, ah?” curious na tanong ni Justin. “Akala ko ba ayaw mo sa kanya.”
Tumitig siya sa pool. “Well, nagkamali ako,” bumaba ang tono niya. “Hindi naman pala siya masamang tao.”
Narinig niya ang pagtawa ng kapatid. “Sinabi ko na sa’yo,” anito.
Napatingin siya dito. Mukhang nagbago na talaga ito. Nasaan na ang cold-blooded niyang kapatid? Na-possess ba ito o ano?

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy ChoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon