Chapter 6.1

2.8K 46 0
                                    

NAGBABASA siya ng isang fashion magazine nang lapitan siya ng kapatid niyang si Jino.
“Noona!” hinihingal pa ito nang makalapit sa kanya.
“What is it now?” tanong niya dito. “Where have you been again, huh?” Ilang araw na rin kasi itong malimit na wala sa bahay.
“That’s not important,” sagot nito. May iwinagayway itong isang envelope sa harap niya. “It’s a good thing that you’re still here,” bumuntong-hininga ito bago nagpatuloy. “Have you heard?”
“Heard of what?” nagtatakang tanong niya. Ano na naman bang nakalap na balita nito sa kung saan mang lugar na pinupuntahan nito?
“About this,” muli na naman nitong iwinagayway ang hawak na envelope.
“What is that? Why don’t you just tell me, okay?” naiinis na tanong niya na dito.
Iniabot nito sa kanya ang hawak na envelope. “It’s an invitation for us.”
Itinaas niya ang isang kilay. “Invitation?” ulit niya sa sinabi nito bago abutin ang envelope. Para saan naman kaya ang invitation na ito?
Marahan niyang binuksan ang envelope at kinuha ang invitation na nasa loob. Gumuho ang buong mundo niya nang makita ang nakasulat doon.
RAFAEL CHOI AND ASHLEE FORTICH WEDDING CEREMONY
Hindi niya na itinuloy ang pagbabasa at mabilis na ipinatong ang invitation sa ibabaw ng mesa. Tumakbo siya patungo sa hagdan at sa kanyang kuwarto. Hindi niya na pinansin ang pagtawag ng kapatid.
Pagkapasok ay awtomatikong tumulo ang mga luha niya. Hindi niya alam kung may nararamdaman pa ba siya ng mga oras na iyon, namanhid na yatang lahat ang buong katawan niya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin o iisipin.
Alam niya namang mangyayari din ang bagay na ito pero bakit ganoon pa rin kasakit para sa kanya ang lahat? Bakit? Bakit kailangang sa kanya pa mangyari ang lahat ng ito? Bakit kailangang siya pa ang masaktan ng ganito? Wala naman siyang ginawang masama, ah? Ang ginawa niya lang ay mahalin si Rafael ng buong-puso.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy ChoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon