HINDI nagawang makatulog ng ayos ni Arrhea ng nagdaang gabi, iniisip niya pa rin ang sinabi nito. Kahit ilang beses niyang sabihin sa sariling kalimutan na iyon, patuloy lang niyang naaalala ang mga salita nito.
Tiningnan niya ang orasan sa bedside table. Five-thirty na ng umaga. Magsisimula ang schedule niya ng araw na iyon mamayang six-thirty. Kailangan niya ng kumilos. Tinatamad pa siyang bumangon sa kama at tumungo sa shower. Habang naghihintay sa bahagyang pag-init ng tubig, pinag-isipan niya ang tungkol sa sitwasyon niya. Inubos niya ang mahigit kalahating oras sa ilalim ng shower sa kaiisip at pagpa-pasya.
Pagkalabas niya ay nakabuo na siya ng desisyon na makabubuti para sa kanya. Iiwasan niya ito - iyon na ang pinaka-mabuting desisyon. She loved Rafael and she would always love him. At baka nagkakamali lang si Raffy sa nararamdaman nito, napaka-imposible noon. Baka naman ay naaawa lang ito sa kanya.
Pinaniwala niya ang sarili doon. Tama. Nagkakamali lang siya sa nararamdaman niya. Magbabago din iyon kapag nagising na siya sa katotohanang naaawa lang siya sa akin.
Hindi tamang makaramdam ng ganoon. Mahahantong lang sila sa sakitan, alam niya iyon. Napagdaanan niya na ang sobrang sakit na iyon at ayaw niya ng muling maramdaman pa iyon. Enough was enough. Kailangan lang nilang bumalik sa pag-trato nila sa isa't isa noon - parang estranghero lang, wala ng iba.
Ngumiti siya at kinumbinsi ang sarili na maaayos din ang lahat kapag umakto siyang parang walang nangyari at hindi niya ito kilala. Dapat niyang ituon ang sarili sa trabaho at sa sarili.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy Choi
Romance"Bakit kung anong pinaka-gusto mo ay hindi mo makuha?" tanong niya dito. Naparami na yata ang nainom niya kaya nagawa niyang makipag-usap sa taong ito. Arrhea Aguirre, a very famous model and actress in South Korea. Hindi niya kailangan ang pagigin...