ILANG linggo na ang lumipas, pinilit niyang bigyan ng oras si Rafael kahit na marami siyang schedule. Gusto niyang makasama ito at gawin ang lahat para makita siya nito ng higit pa sa isang kaibigan.
Ginagawa niya ang best niya pero hindi pa rin iyon sapat. Hindi pa rin nababawasan ang lungkot sa mga mata nito. Hindi niya alam kung ano pa ang gagawin. Napakahirap ba niyang mahalin?
Humugot siya ng malalim na hininga. Akala niya magiging masaya siya kapag kasama niya na ito. Nagkamali siya, paano siya magiging masaya kung patuloy lang naman itong nagdurusa?
Napatingin siya dito nang makalapit ito sa table niya dala ang isang tray ng mga orders nila. Nasa loob sila ng Paris Baguette sa loob ng Incheon International Airport. Uuwi kasi sila sa Pilipinas dahil inimbitahan sila ng mga magulang nito para sa isang salu-salo doon dahil kababalik lang ng mga ito galing sa Canada. Susunod na lang sa kanila kinabukasan ang manager niya.
Doon muna sila naghihintay sa loob ng restaurant na iyon dahil maya-maya pa naman ang flight nila. Nakasuot siya ng hooded jacket at dark shades dahil ayaw niyang maka-agaw ng atensiyon ng mga taong nandoon.
Nginitian niya ito. “Sigurado ka ba na gusto mong bumalik sa Pilipinas?”
Ginantihan nito ang ngiti niya. “Yeah, magtatampo sina Papa at Mama kapag hindi ako pumunta sa dinner na iyon.”
“Gusto ko rin namang makita sina Tito at Tita. Miss ko na rin sila.”
Tumango lang ito at hindi na muling nagsalita. Tinitigan niya ito. Alam niyang nag-aalinlangan din itong pumunta doon. Kahit hindi nito aminin ay nararamdaman niya iyon.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy Choi
Romantizm"Bakit kung anong pinaka-gusto mo ay hindi mo makuha?" tanong niya dito. Naparami na yata ang nainom niya kaya nagawa niyang makipag-usap sa taong ito. Arrhea Aguirre, a very famous model and actress in South Korea. Hindi niya kailangan ang pagigin...