Chapter 2.5

2.9K 54 0
                                    

ISANG napaka-gandang tanawin ng Banpo Bridge, pero hindi magawang i-enjoy ni Arrhea ang lugar na iyon dahil hindi niya mapigilan ang sariling malungkot kapag nakikita niya si Rafael na palaging nauuwi sa pagka-tulala. Ibang-iba na ito ngayon, hindi na ito ang best friend na kilala niya. Nawala na ang lahat ng sigla sa mukha nito, he was like a living dead now. Ganoon ba talaga kahalaga para dito si Ashlee? Pero bakit? Ikakasal na ito. Narito naman siya, ah. Kung ibabaling lang nito ang tingin sa kanya kahit minsan ay malalaman nito na kaya niya itong pahalagahan ng higit pa sa sarili niya.
Marahan niyang hinawakan ang kamay nito. Parang noon lang ulit bumalik ang kamalayan nito at napatingin sa kanya.
Direktang tinitigan niya ito sa mga mata. “Huwag mo ng gawin ito sa sarili mo, Rafael,” bulong niya. Nakita niya ang sakit sa mga mata nito. Nangilid ang mga luha niya habang nakatitig dito. “Look at me,” pagpapatuloy niya. “I… I love you…” buong tatag na pag-amin niya sa nararamdaman para dito.
Nakita niya ang pagkagulat nito sa ipinagtapat niya.
“Matagal na kitang minamahal, Rafael. Can’t you feel my heart? I’m offering it to you,” pagtatapat niya, tumulo na ang mga luha sa mukha niya.
Ngumiti ito at marahang tinanggal ang kamay nitong hawak niya. Inilipat nito iyon sa buhok niya at marahang ginulo iyon. “We’re best friends, Arrhea,” sabi nito. “Manatili na lang tayo doon. Ayokong saktan ka.”
Umiling siya at niyakap ito ng mahigpit. “Gagawin ko ang lahat para mapalitan siya sa puso mo, Rafael. Tutulungan kitang kalimutan siya. Hayaan mo lang ako,” bulong niya. “Please…”
Naramdaman niya ang pag-ganti nito ng yakap sa kanya. “Pag-iisipan ko, Arrhea,” bulong nito, puno ng sakit at paghihirap ang boses nito. Ayaw niya ng makita itong nagkakaganito. Nasasaktan din siya.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy ChoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon