Chapter 16.3

3.1K 59 0
                                    

PINIRMAHAN ni Raffy ang mga papeles na nasa harap at ipinasa iyon sa secretary na katabi.
“Iyan lang?” tanong niya dito.
Tumango na lang ito at nagpaalam na. Hindi niya napigilan ang mapangiti nang makalabas ito ng opisina. Napaka-saya niya. Hindi lang masaya, may mas higit na damdamin pa doon na nagiging dahilan ng paglipad ng mataas ng puso niya. Never in his entire life had any woman made him feel this way. Just her. He never felt so complete and satisfied in his life until now.
Tumayo siya mula sa swivel chair at niluwagan ang suot na kurbata. Mabilis siyang sumulyap sa relo at naiinis na napabuntong-hininga. Alas-singko pa lang ng hapon. Gusto niyang makaalis ng maaga sa unang pagkakataon.
Napatingin siya sa may pinto nang makarinig ng katok mula doon. Ilang sandali lang ay sumilip doon ang secretary niya. “Sir, gusto po kayong makausap ni Miss Aguirre,” he informed.
Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso niya pagkarinig sa pangalan nito. Bumuntong-hininga muna siya bago sabihing papasukin ito. Kailangan niyang kumalma. Bakit ba umaakto siyang isang schoolboy na makikipagkita sa kauna-unahang date niya?
Pagkatapos ay nakita niya itong pumasok ng opisina niya. Damn it, hindi niya magawang kalmahin ang sarili, lalo na nang lumakad ito patungo sa kanya. Damn, she was so beautiful. Gustong-gusto niya ang lahat-lahat dito.
Tumikhim siya at nakaramdam ng hiya sa nararamdamang nerbiyos sa harap nito. “Anong ginagawa mo dito, baby?” tanong niya, gazing at her exquisite beauty.
He tensed when she wrapped her arms around his neck. He silently cursed himself for reacting easily just by a simple touch from her. Marahan niya itong hinapit palapit sa sariling katawan. Her softness was tightly pressed against his hard body. Damn, he wanted her so much. He had always dreamed of this moment. Isinubsob niya ang mukha sa gilid ng leeg nito, taking in his sweet, intoxicating scent. “Oh, baby, you smell so good,” ungol niya. “I missed you so much,” he was surprised by how hard he was at that moment. Walang ibang babae ang nakakagawa ng ganoon sa kanya. At niyayakap niya palang ito!
Nag-aalangan pa itong lumayo sa kanya ng kaunti, there was wanting in her eyes as well. Napangiti siya, she wanted him too – and that made his heart go tumbling upside-down.
“Raffy,” bulong nito sa pangalan niya. Aktong ilalapit niya ang mukha dito nang bahagya itong umiwas.
“Bakit?” tanong niya.
Marahan itong umiling. “Huwag dito,” bulong nito.
Bumuntong-hininga siya at marahang tumango. “Maaga akong aalis dito,” wika niya. Ni minsan ay hindi niya ginawa iyon sa buong buhay niya. Tunay na napaka-workaholic niya. Ginagawa niya ito para dito. Oo, para dito. Para sa babaeng ito na hawak-hawak ang puso niya sa mga kamay nito.
Ngumiti ito at nakita niya ang kislap mula sa magagandang mga mata nito. Kislap na noon ay akala niyang para lang sa kakambal niya. “Hihintayin kita,” sabi nito. “Nasa labas ang manager ko. Gagawa ako ng paraan para paunahin siya sa pag-uwi.”
Tumango siya. “Dadalhin kita sa lugar ko mamaya,” suhestiyon niya. “Gusto mo ba sa condominium place ko?” Gusto niyang makatabi ito sa sarili niyang kama. Nais niyang manatili kasama ito palagi.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy ChoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon