INUBOS ni Arrhea ang buong dalawang buwan sa pag-aalaga kay Raffy. Tinanggihan niya ang lahat ng offers sa Pilipinas at sa South Korea para dito. Gusto niya lang na makasama ito.
Laking pasasalamat niya dahil unti-unti ng bumabalik ang natural na balat nito. Ang paa na lang nito ang problema, ilang beses na rin itong nagre-reklamo na pagod na daw itong umupo ng umupo sa wheelchair pero kahit ganoon ay naging masaya pa rin ito dahil ina-alagaan niya ito.
Isang gabi, nakahiga ito sa kama sa loob ng apartment niya habang nagbabasa siya ng isang libro. Napatingin siya dito nang tangkain nitong umupo at sumandal sa headboard ng kama. Tumayo siya at lumapit dito.
“Huwag ka masyadong galaw ng galaw,” paalala niya dito. “Sige ka, baka lalo ka pang magtagal sa wheelchair.”
Naiinis itong napabuntong-hininga at mas lalo siyang hinigit palapit. “Tumigil ka na sa pagbabasa,” anito, naglalandas na ang kamay nito sa likod niya. “I missed you so much, baby,” bulong nito, ang mga labi ay nasa leeg niya na.
Kahit na miss niya na rin ito, bahagya pa rin siyang lumayo dito. “Raffy, no,” she rejected but her voice had gone husky.
Nakita pa niya ang pagtatampo sa mukha nito. “Ayaw mo na sa akin?” nagmukmok pa itong parang bata.
Nanlaki ang mga mata niya. “Of course not,” tutol niya. “Ayoko lang masaktan ka. Tingnan mo ang binti mo,” tumayo siya mula sa kama at namaywang. “Magpagaling ka muna. At kapag magaling na magaling ka na, pakasalan mo ako at puwede na kitang pagbigyan,” she dared.
Ngumiti ito sa sinabi niya at tumango. Gumanda na naman ang mood nito pagkatapos niyon at masaya siyang makita itong ganoon.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy Choi
Romans"Bakit kung anong pinaka-gusto mo ay hindi mo makuha?" tanong niya dito. Naparami na yata ang nainom niya kaya nagawa niyang makipag-usap sa taong ito. Arrhea Aguirre, a very famous model and actress in South Korea. Hindi niya kailangan ang pagigin...