IPINARADA niya ang sasakyan sa tapat ng bahay nina Ashlee sa Ayala. Patuloy pa rin ang pagdaloy ng luha sa mukha niya hanggang sa makababa siya ng sasakyan. Agad niyang nakita si Ashlee na lumabas ng gate, mabilis siyang lumapit dito. Nakita niya pa ang pag-aalala sa mga mata nito sa nakikitang pag-iyak niya.
“A-Arrhea, what happened?” tanong nito.
“Ashlee,” pumiyok siya. “Mabuti at ikaw ang naabutan ko dito. Ashlee, please… I-I beg you,” hinawakan niya ang mga kamay nito. Gumagaralgal na ang boses niya. “P-Please… go to him… talk to him, ka-kahit kaunting oras lang. I-I don’t want to see him suffer. I love him so much that it hurts me to see him crying.”
Nakita niya nang unti-unting dumaloy ang luha sa mga mata nito. Alam niyang nakukuha na nito ang ibig niyang sabihin.
“M-Mahal na mahal ko siya,” pagpapatuloy niya. Gusto niyang ipaalam dito ang nararamdaman niya para kay Rafael. “But… but he can’t love me more than just a friend. Kahit na anong gawin ko, hindi niya ako magawang mahalin katulad ng pagmamahal ko sa kanya. I have no other choice but to talk to you… he’s totally miserable, Ashlee,” tiningnan niya ito. Kahit mahirap para sa kanya ay kailangan niyang sabihin ang mga iyon. “I’m not telling you to choose between him and your fiancé. Just… just let him explain everything,” umiling siya. “I don’t know what to do, Ashlee. I don’t know what to do.”
“Where is he?” tanong nito.
Tinitigan niya ito. Nag-aalinlangan pa rin siyang sabihin dito ang kinaroroonan ni Rafael pero kailangan. “Sa… sa condominium unit niya sa Makati, ang condominium na katapat ng flower boutique mo doon. Ask the guards for his unit.”
Tumango ito at aktong hahakbang na ulit papasok ng gate nang pigilan niya ito.
“Ashlee…”
Tumigil ito at lumingon sa kanya. Alam niyang puno ng sakit ang mga mata niya ng mga oras na iyon. “Minsan mo na lang siyang saktan,” aniya. “I don’t want him to be hurt anymore… you all have a very complicated set-up, please don’t tell Raffy what I told you,” pinilit niya ang sariling ngumiti kahit na patuloy na nadudurog ang puso niya sa sakit.”274533…”
Kumunot ang noo nito sa huling sinabi niya.
“That’s his unit’s password, siguradong hindi ka niya pagbubuksan,” sagot niya sa pagtataka nito.
Tumango si Ashlee. “Thank you, Arrhea.”
Tumango na lang siya at humakbang pabalik sa sariling sasakyan. Muli siyang lumingon dito at nakita itong mabilis na pumasok sa gate para kunin ang sasakyan nito. Hindi niya alam kung bakit, pero pakiramdam niya ay tuluyan ng mawawala sa kanya si Rafael ng mga sandaling iyon. Bakit? Dahil sigurado siyang may nakita siyang kakaiba sa mga mata ni Ashlee kanina. Hindi iyon simpleng awa.
Umiling siya. Imposible ‘yon, ikakasal na ito. Sigurado siyang kakausapin lang nito si Rafael para maayos na ang lahat.
Pilit niyang kinalma ang sarili at pumasok sa loob ng sasakyan. Isinubsob niya ang mukha sa manibela, pagod na siya – lalo na ang puso niya.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy Choi
Romance"Bakit kung anong pinaka-gusto mo ay hindi mo makuha?" tanong niya dito. Naparami na yata ang nainom niya kaya nagawa niyang makipag-usap sa taong ito. Arrhea Aguirre, a very famous model and actress in South Korea. Hindi niya kailangan ang pagigin...