Chapter 19.1

3K 48 0
                                    

ILANG linggo ang lumipas…
Muling bumalik si Arrhea sa Pilipinas para sa isang drama filming niya, kasama niya sa dramang iyon si Michael de Angelo dahil ang producer niyon ay ang ina ni Stacey. On-screen comeback iyon ni Michael kaya masaya siya at napasama siya sa project na iyon.
Napag-desisyunan nilang magpakasal ni Raffy pagkatapos ng filming ng drama. Namanhikan na rin ito at ang mga magulang nito sa kanila noong isang linggo. Ang kailangan na lang nilang gawin ay mag-set ng date at lugar para sa kasal. Excitement at kaba ang nararamdaman niya patungkol sa bagay na iyon.
Katatapos lang ng filming niya nang araw na iyon at pansamantala siyang nagre-relax sa loob ng isang coffee shop sa Trinoma. Ang manager niya ay nasa counter pa rin at umo-order ng maiinom nila. Kasalukuyan siyang tumitingin ng mga larawan sa cell phone niya – larawan niya at ni Raffy – nang mapaangat siya ng ulo nang may lumapit sa table niya.
Nagulat pa siya nang makitang si Brianna iyon. Hindi ba talaga sila tatantanan ng babaeng ito? Hanggang dito ba naman sa Pilipinas ay sunod pa rin ito? Ibinalik niya ang cell phone sa loob ng purse at tumingin dito. “You need something?” tanong niya.
Ngumiti ito at umupo sa katapat niyang silya. “Nothing, I just saw you here and suddenly feel like greeting you. I heard about your upcoming wedding. Congratulations,” walang kaseryosohan sa boses nito, purong sarcasm lang.
Hindi niya na lang ito sinagot. Pagod na siyang makipag-away sa mga uri nito. Hahayaan niya na lang itong magsalita ng magsalita hangga’t gusto nito.
“I heard about your new drama here,” pagpapatuloy ni Brianna. “It would be great if I can see you act sometimes, a crying scene would be better,” tumayo na ito at muling ngumiti. “Good luck on your drama and your wedding. I hope both of it will be very successful,” iyon lang at umalis na ito. Alam niyang hindi iyon ang gustong sabihin nito. Ano naman ang gusto nitong palabasin ngayon? Sobrang nakakatakot ang babaeng iyon, siguro dahil tuluyan na itong nabaliw. Hindi niya alam kung ano pa ang puwede nitong gawin.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy ChoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon