IPINARADA niya ang sasakyan niyang isang puting Ford sa likod ng isang pulang BMW na kapaparada lang din sa tapat ng bahay ni Raffy sa Ayala. Alas-sais na ng gabi ng makarating siya dito. Nakita niyang lumabas sa sasakyang iyon ang fiancée ni Raffy na si Ashlee Fortich. Bumaba din siya ng sariling sasakyan at lumakad palapit dito.
Magandang babae si Ashlee. Unang mapapansin dito ay ang light-gray na kulay ng mga mata nito. Babaeng-babae ito, pati sa paraan nito ng pananamit. Ilang beses niya na itong nakikita noong mga bata pa sila dahil palagi naman nitong kasama si Raffy noong bumibisita siya sa bahay ng mga ito para naman makipag-laro kay Rafael.
“Hi,” bati niya nang makalapit dito. “You must be Ashlee. I’m Arrhea. Arrhea Aguirre. I’m looking for your fiancé, Raffy.”
Nakita niya ang pagtataka sa mukha nito.
Nginitian niya ito. “Huwag kang mag-isip ng kung ano. I’m here for business. Tell him, I’m Rafael’s best friend.”
Tinitigan siya ni Ashlee. “I think I remember you,” wika nito sa isang malambing na British accent.
“Yeah, I think so. I can remember you, too. Ikaw iyong palaging kalaro ni Raffy noong mga bata pa tayo. Minsan ay pumupunta ako sa mansiyon nila para makipag-kuwentuhan kay Rafael. We never had a chance to play kasi may kanya-kanya tayong mundo,” napatawa pa siya. Totoo ngang may sarili silang mundo noon kaya hindi niya ito masyadong nakakausap.
Ngumiti ito. “Pumasok muna tayo sa loob, titingnan ko kung nakauwi na si Raffy,” yaya nito.
Pagkapasok nila sa loob ay niyaya muna siya nitong maupo sa sofa na nasa living room doon at titingnan muna daw nito si Raffy sa kuwarto. Hindi niya alam na magkasama na pala ang mga ito sa iisang bahay. Well, ganoon din naman ang kalalabasan nila ‘pag nai-kasal na sila.
Iginala niya ang paningin sa buong paligid. Malaki ang bahay at napaka-luxurious ng interior nito, sigurado siyang si Rafael ang gumawa nito para sa mga magulang. Isa itong propesyonal na inhinyero at tunay namang magaganda ang mga gawa nito.
Humugot siya ng malalim na hininga. Sana naman makausap niya ng ayos si Raffy ngayon. Napilitan lang naman talaga siyang lumapit dito dahil wala na siyang ibang pagpipilian.
Napatingin siya sa hagdan nang makitang bumaba doon si Ashlee at naglakad palapit sa kanya. Nagtaka pa siya sa itsura nito – pulang-pula ang mukha nito at mukhang kinakabahan pa.
“May problema ba, Ashlee?” nagtatakang tanong niya dito.
Tumingin ito sa kanya at ngumiti. “Wala naman, bababa na daw si Raffy. Magka-sosyo ba kayong dalawa sa business?” tanong pa nito.
“No, I’m one of his agency’s talents,” sagot niya. “I’m an actress and model in South Korea.”
Napatango na lang ito.
“I can’t believe na kayo rin ang magkaka-tuluyang dalawa,” pagpapatuloy niya. “I’m sorry hindi ako naka-attend ng engagement niyo. Ngayong linggo ko lang nalaman na malapit na pala ang kasal ng boss namin,” napailing pa siya. “I’ve been very busy looking for someone.”
Nakita niya ang pagdududa sa tingin nito. “Is it Rafael? Balita ko kasi nakabalik na siya galing sa America,” anito.
Naramdaman niya ang pag-iinit ng mukha niya. “Hindi pa nga siya nagpapakita sa akin. Nakakapagtampo na ang lalaking iyon.”
“Do you like him?”
Napayuko siya. “But he only sees me as his best friend,” pagtatapat niya.
“Sweetheart, sino ba ang gustong—” narinig niyang singit ng isang pamilyar na boses ng isang lalaki. “A-Arrhea?”
Nag-angat siya ng ulo at ganoon na lang ang pagkagulat niya nang makita kung sino iyon. It was Rafael! Mabilis siyang napatayo mula sa pagkaka-upo. “W-What are you—” hindi niya na natapos ang sasabihin nang higitin nito ang isang kamay niya.
“May pag-uusapan lang kami sa labas ni Arrhea, Ashlee. Sandali lang,” anito at hinila na siya palabas ng bahay ng mga ito.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy Choi
Romantizm"Bakit kung anong pinaka-gusto mo ay hindi mo makuha?" tanong niya dito. Naparami na yata ang nainom niya kaya nagawa niyang makipag-usap sa taong ito. Arrhea Aguirre, a very famous model and actress in South Korea. Hindi niya kailangan ang pagigin...