Chapter 9.2

2.8K 52 0
                                    

ILANG linggo ang lumipas…
“Pack up now, Arrhea,” utos sa kanya ng manager niya na kapapasok lang ng apartment niya. Kasalukuyan siyang umiinom ng kape at nagbabasa ng diyaryo ng umagang iyon.
“Why?” tanong niya. “I thought the photo shoot will be this afternoon?” ang tinutukoy niya ay ang photo shoot para sa mga designs ni Stacey Stewart na noong isang buwan pa naka-schedule.
“They changed the location,” sagot nito. “We’re going to the Philippines today. They said that they planned for a beach concept and they can’t do it here with this season. The winter is coming.”
“Philippines?” napangiti siya. Mas maganda ‘yon, at sa beach pa. Miss niya na ang mga beaches sa Pilipinas. Tumayo siya at tumungo sa closet para mag-empake ng dadalhin. “What beach?” hindi maitago ang pagkasabik sa boses niya.
Ilang sandali itong napaisip. “Dolphin Bay Resort in Cebu.”
“Dolphin Bay?” ulit niya. Hindi ba pagmamay-ari iyon ni Christopher Samaniego Jr.? Ito ang sikat na businessman at founder ng ‘The Breakers Corazon Sociedad’, sa pagkaka-alala niya. Ilang beses niya na itong na-meet dahil sa Kuya Justin niya at kay Rafael.
Kaunti lang ang in-empake niya dahil sigurado naman siyang hindi rin sila doon makakapagtagal. “Are we heading straight to Incheon International Airport or we needed to go to the agency first?” tanong niya dito.
Kumunot ang noo nito. “Why do we need to go to the agency? And we’re taking the plane in Samaniego Air Lines; it’s a private plane for all the models for the shoot that will take us straight to the resort.”
Bumuntong-hininga siya at tumango. Hahakbang na sana siya papasok sa banyo nang muli siyang lumingon dito. “Does Raffy know we’re going there?” tanong niya. Hindi niya alam kung bakit niya iyon itinanong, gusto niya lang talagang makita ito. Ilang linggo na rin iyon at nais niya lang na mag-tanong ng tungkol sa Kuya niya. Iyon lang.
Tumingin ito sa kanya. “Mr. Choi?” napaisip ito. “He said he’ll be there, too. Because he needs to work out some problems about something. I don’t know what it is,” napailing pa ito. “I think he’s going to crack the whip this time to the employees in the agency branch in Philippines. They’ve been doing lousy jobs since he left, that’s why he’s so upset.”
Tumango na lang siya, dapat lang na maging mahigpit na ito sa mga empleyado nito doon. Puro tsismisan lang naman ang alam ng mga ito.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy ChoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon