NANG sumunod na gabi ay hindi alam ni Arrhea kung bakit siya niyayang lumabas ni Raffy. Hindi naman nito sinasabi kung saan ang tungo nila.
Nagulat pa siya nang pumasok ang sasakyan nito sa isang malaking gate. Napansin niyang ito ang mansiyon nito sa Seoul. Napahanga siya sa lawak ng buong lawn nito – it was two basketball courts in length and width – at bakuran pa lang ‘yon. Mas lalo itong gumanda dahil sa snow na bumabalot doon.
Mas lalo siyang napahanga nang makita ang napakalaking mansiyon nito. Isa nga itong palace-like-mansion, gaya ng pagkaka-describe ng mga taong nakarating na doon.
Mas maganda ang loob niyon. Nakaka-hanga ang kabuuan nito. There were Scandinavian vintage furniture around and the walls were decorated in palace-like textures – natural stones and a concrete build. May garden din sa loob na puro mga natural ang nakalagay. Ang main hall ay may malaking water fountain na nag-iiba ng kulay kada minuto at may paikot na hagdan sa tabi ng fountain na iyon – gawa sa cylinder glass ang hagdang iyon. Tunay na nakakalaglag ng panga ang buong bahay, may ilang maids din ang naroroon ay bumati sa kanila.
Tumingin siya kay Raffy. “Ikaw lang ang nakatira dito?” tanong niya.
Tumango ito. “Kasama ang mga maids at guards,” ngumiti ito. “Dito rin minsan tumutuloy sina Papa at Mama kapag naisipan nilang bumisita dito.”
Magtatanong pa sana siya nang may lumapit ditong isang lalaki – isa siguro ito sa tinutukoy nitong mga guards doon.
“The carriage is ready, Sir,” sabi nito kay Raffy bago muling nagpaalam.
Carriage? Tumingin siya kay Raffy, tinatanong ito gamit ang mga mata. Ngumiti lang ito at hinawakan ang kamay niya. Hinila siya nito palabas hanggang makarating sila sa lawn nito. Napasinghap siya nang makita ang isang horse-drawn carriage doon.
“Gusto mo bang sumakay?” tanong nito, nakangiti sa kanya.
“Saan tayo dadalhin niyan?” ganting-tanong niya dito.
“Kailangan lang niyang umikot sa buong lawn,” sagot nito. “Matatapos na ang lahat ng mga oras na iyon.”
Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. Anong pinagsasasabi nito?
“Tama na ang tanong, baby,” ani pa nito. “Gusto mo bang sumakay o hindi?”
“Siyempre gusto ko,” masiglang tugon niya.
Ilang sandali lang ay nakasakay na sila sa loob ng carriage at nagsimula na iyong tumakbo. Napansin niyang ang nagpapatakbo niyon ay ang guard na kausap ni Raffy kanina.
“Para saan ito?” baling niya kay Raffy.
May kinuha itong isang warm blanket sa isang tabi at ikinumot sa kanya. She moved closer to him and they snuggled up under it together. Hindi pa rin nito sinasagot ang tanong niya. Maya-maya lang ay biglang tumigil ang carriage at napatingin siya sa labas nang may lumapit doong isang tao na nakasuot ng Santa Claus costume.
Napangiti siya sa pakulo nitong iyon.
“Gift for Ms. Arrhea Aguirre, hohoho,” ani Santa Claus na iyon. Bumaling ito sa hawak na red bag at nagkunwang hinahanap ang regalo para sa kanya.
Napalingon siya kay Raffy na ngingiti-ngiti lang. “Tapos na ang Pasko,” paalala niya dito.
Umiling ito. “Apat na araw pa lang ang lumipas. Christmas season pa rin.”
Bumuntong-hininga siya at muling tumingin kay Santa Claus na abala pa rin sa paghahanap ng regalo niya. “Sigurado ka bang hindi niya nakalimutan ang regalo ko?” biro niya pa.
Narinig niya lang ang pagtawa ni Raffy pero hindi sumagot.
“Here it is, hohoho,” kinuha ni Santa ang isang bagay mula sa bag nito at iniabot sa kanya. Pagkatapos ay agad na tumakbo palayo.
Natigilan siya nang makita ang isang maliit na box sa kamay niya. It was not just a simple box – it was definitely a ring box! Natutop niya ang sariling bibig para pigilan ang sariling mapaiyak.
Pagtingin niya kay Raffy ay nakaluhod na ang isang tuhod nito sa sahig ng carriage. Seryoso ang mukha ito pero punong-puno ng pagmamahal ang mga mata. “I’m going to say I love you since the first day you came into my arms. Naaalala mo pa ba ‘yon?” ngumiti ito. “Noong kino-comfort kita sa rooftop ng ospital ni Matthew, nang makita natin sina Rafael at Ashlee sa labas ng elevator. Minahal na kita simula noon.”
Nagsimula ng dumaloy ang mga luha sa mukha niya. Hindi niya alam iyon, hindi niya alam na minamahal na pala siya nito habang patuloy pa rin siyang umaasa na mahalin siya ni Rafael. She was so stupid to not notice it.
“And I will love you for the rest of my life. I can’t give you to anyone else’s arms, my heart will never let you go, Arrhea,” kinuha nito ang kahon sa kamay niya at binuksan iyon. Kinuha nito doon ang singsing at isinuot sa palasingsingan niya, pagkatapos ay tumitig ito sa mga mata niya. “Marry me.”
Ikinulong niya sa mga palad ang mukha nito at buong pagmamahal itong hinagkan. Tumango siya. “I will marry you, Mr. President,” she answered lovingly.
Hindi niya maipaliwanag ang kasiyahang sumilay sa mukha nito. Hinigit siya nito at niyakap ng mahigpit. “Salamat. Maraming salamat. Mahal na mahal kita, Arrhea.”
Isinubsob niya ang mukha sa leeg nito at muling umiyak. “I love you too, Raffy. So much.”
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy Choi
Romance"Bakit kung anong pinaka-gusto mo ay hindi mo makuha?" tanong niya dito. Naparami na yata ang nainom niya kaya nagawa niyang makipag-usap sa taong ito. Arrhea Aguirre, a very famous model and actress in South Korea. Hindi niya kailangan ang pagigin...