“WELCOME back to the Philippines, Arrhea,” bulong niya sa sarili nang makababa sila ng manager niya sa sinasakyang eroplano. Matagal-tagal na din siyang hindi nakakabisita sa sariling bansa. Na-miss niya ang panahon, ang pagkain, at ang mga tao dito. Masaya siya dahil na-aprubahan na ang bakasyon na hinihingi niya. Kahit na dalawang linggong bakasyon lang iyon, ayos na rin sa kanya.
Kaya kailangan niya ng kumilos kaagad para mahanap niya na si Rafael. Ayaw niyang mag-aksaya pa ng panahon.
Ngumiti siya at lumingon sa manager niya. “Do you know where Raffy Choi lives here?” tanong niya dito. Susubukan niyang itanong dito ang kinaroroonan ng kakambal nitong si Rafael. Hindi niya naman kasi ito nakikita sa agency nila sa Seoul kaya baka nandito ito sa Pilipinas kasama ang fiancée nito.
Tumango ito at sinabi sa kanya ang address ng bahay nito sa Ayala Heights. Alam niya ang lugar na iyon. Mabuti naman at hindi na siya mahihirapang maghanap ng lugar.
Napangiti siya. Sabik na sabik na siyang makita ulit ang best friend niyang si Rafael.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy Choi
Romance"Bakit kung anong pinaka-gusto mo ay hindi mo makuha?" tanong niya dito. Naparami na yata ang nainom niya kaya nagawa niyang makipag-usap sa taong ito. Arrhea Aguirre, a very famous model and actress in South Korea. Hindi niya kailangan ang pagigin...