Chapter 14.3

2.8K 45 2
                                    

PINILIT ni Arrhea na iwasan si Raffy hangga’t maaari, hindi siya pumupunta sa agency nila kung hindi naman importante. But to her horror, she was starting to miss him – his presence, his voice and his smile. Hindi niya alam kung bakit siya nagkakaganito. Ang pag-iwas niyang ito ang tanging paraan para maibalik sa normal ang sitwasyon nila pero nagsisimula na siyang masaktan sa paraang ito.
Nang gabing iyon, inubos niya ang oras sa panonood ng dramas at pagbabasa ng mga libro. Wala sa isip na pinalipat-lipat niya ang channel at sumulyap sa isang sulok kung saan naroroon ang stuffed toy niyang si Snoopy. Pinatay niya ang telebisyon at tinitigan ang stuffed toy. Naisip niyang itapon na iyon pero may parte ng sarili niya ang ayaw gawin iyon. Siguro dahil nanghihinayang siya sa kaawa-awang stuffed toy.
Nalipat ang tingin niya sa bintana. Sa pagkagulat niya ay nagsimula ng bumagsak ang snow mula sa kalangitan. Marahan siyang tumayo mula sa kinauupuan at lumapit sa bintana. Tiningnan niya ang kalye sa labas. Maya-maya lang ay mababalot na sa kaputian ang buong paligid. Mas magiging mahirap na ang lumabas at mamasyal.
Ngumiti siya, pinipilit pagaanin ang loob. Malapit na naman ang Pasko, dapat ay maging masaya na siya. Dapat na niyang alisin ang kaguluhang ito sa puso niya. Iyon lang ang paraan para gumaan ang pakiramdam niya.
NANG sumunod na gabi ay inubos niya naman ang oras sa Namsan Tower kasama ang manager niya. Nasa loob sila ng kilalang coffee shop doon. Kahit na patuloy ang pagbagsak ng snow sa labas, marami pa ring tao ang naroroon – ang ilan ay mga foreigners.
Gusto niyang mag-tanggal ng stress kaya niyaya niya doon ang manager niya. Aakyat siya mamaya sa pinakamataas na floor para mapagmasdan ang kagandahan ng mga ilaw ng lungsod.
Napatingin siya sa manager niya nang mapasinghap ito. “Why?” nagtatakang tanong niya.
“Is that Mr. Choi?” palihim pa nitong itinuro ang entrance ng coffee shop.
Sinundan niya ang tingin nito at nagulat pa siya nang makita nga si Raffy doon. Pero hindi ito mag-isa, may kasama itong isang babae. Kilala niya ang babaeng iyon. Si Brianna, that ang modelong iniligtas nito sa pagkalunod. Napatingin siya sa kamay ng babaeng iyon na animo’y sawa kung makapulupot sa braso ni Raffy.
Bago pa siya mapansin ng mga ito ay ibinaba niya na ang tingin sa iniinom na Americano. Marahan niyang inilagay ang hood ng jacket sa ulo para maitago ang mukha. Hindi niya na muling tinapunan ng tingin ang mga ito. Pumunta siya dito para makapag-relax. Bakit sa dinami-dami ng lugar ay dito pa ang mga ito pumunta?
“Are they dating?” pukaw na tanong sa kanya ng manager niya. “She’s a model, right? From New York?”
Uminom muna siya ng kape. “I don’t know,” sagot niya. Wala na siyang pakialam kung nagde-date nga ang mga ito o ano.
Napailing pa ito. “I thought you were dating him,” may panghihinayang pa ang tono nito.
Matalim siyang tumingin dito. “Shut up,” she snapped. Nakita niya pa ang dumaang pagkamangha sa mga mata nito dahil sa galit na ipinakita niya.
Inis na inis na siya ng mga oras na iyon. Mabilis siyang tumayo at iniwanan ito, walang lingon-likod siyang lumabas ng coffee shop. Alam niyang nakasunod na ito sa kanya, wala na siyang pakialam dito.
Tama siya. That jerk was just having false feelings towards her. Mabuti na lang at tama ang naging desisyon niyang layuan ito.
Napatigil siya sa paghakbang, itinapat niya ang kamay sa kaliwang dibdib. Pero bakit ganito na lang kasakit ang puso niya? Naramdaman niya na ang ganitong sakit at hindi niya gusto iyon. Ikinuyom niya ang mga kamao. Dapat niya ng tigilan ang kabaliwang ito, makakapagdala lang ito ng panibagong sakit sa kanya. Dapat niya ng tumigil!

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy ChoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon