Chapter 15.1

3.1K 43 0
                                    

PAGKATAPOS kalmahin ang sarili, muling bumalik si Arrhea sa lobby at nakita ang manager niyang naghihintay sa kanya. Mabilis niyang inayos ang sarili para hindi nito mahalata ang pag-iyak na ginawa niya kanina.
Agad siyang nilapitan ni Da Seul nang makita siya. Puno ng pagtataka at pag-aalala ang mga mata nito nang makalapit sa kanya. "Did you cry?" tanong nito.
Binigyan niya ito ng malamyang ngiti. "No," sagot niya, mahina na rin ang boses niya. "I'm just... sleepy. Let's go home," napatigil siya sa paghakbang nang matanaw si Brianna na papalapit sa kanila. Papalabas na rin ito at mukhang masayang-masaya pa. Dapat lang. Pagkalampas nito sa kanila ay muli niyang tiningnan ang manager na nakasunod pa rin ang tingin sa babae.
"I'm tired, let's go home," ulit niya. Alam niyang magko-collapse na siya ilang sandali lang. Nanlalambot na ang mga tuhod niya at hindi niya na kaya pang magtagal sa lugar na iyon.
Lumapit sa kanya ang manager niya at inalalayan siya. "Are you really okay?" punong-puno ng pag-aalala ang tono nito.
Umiling siya. "No," bulong niya. Gusto niya ng umuwi. Gusto niyang umiyak. Gusto niyang murahin ng murahin ang puso niya hanggang sa mamanhid iyon.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy ChoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon