TAPOS na ang kasal nang bumalik siya sa tapat ng sasakyan nila. Aktong papasok na siya sa loob nang may magsalita mula sa likod niya.
“Hindi mo talaga gustong makausap ako, ano?” wika ng isang pamilyar na boses.
Ang boses na iyon… nagsimula na namang bumilis ang tibok ng puso niya nang makita ito. Ang taong iniiwasan niya ng mahabang panahon. Nakatayo na ito ngayon sa harapan niya, suot pa rin ang wedding suit nito, still looking so handsome and dashing as ever.
“Ganoon ka na ba kagalit sa akin ngayon, Arrhea?” tanong nito, may bumahid na sakit sa boses nito.
Nag-unahan na lang sa pagpatak ang mga luha sa mukha niya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito. Bakit ba ito bigla na lang nagpakita? Hindi pa handa ang puso niya para dito.
“I’m sorry,” humakbang si Rafael palapit sa kanya. Gusto niyang umatras pero hindi naman siya hinayaan ng mga paa niya. “Patawarin mo ako, Arrhea,” dahan-dahang tumaas ang kamay nito at pinunasan ang mga luhang naglandas sa pisngi niya.
She then found her courage to look up at him, meeting his dark brown eyes she had missed. Ito ang lalaking minamahal niya ng napaka-habang panahon, ang lalaking tanging pinangarap niyang makuha. Pero hindi na maaari. Dahan-dahan siyang umatras para lumayo dito.
Ibinaba nito ang kamay at bumuntong-hininga. “Ayokong magalit ka sa akin. Pero mukhang nasaktan talaga kita ng sobra,” pinilit nitong ngumiti. “Sana mahanap mo sa puso mo ang mapatawad ako balang-araw. Masaya akong nakita kita dito,” pagkatapos ay tumalikod na ito para umaalis.
“Congratulations,” bulong niya. “S… Sana maging masaya ka… k-kasama… niya.”
Tumingin ito sa kanya at ngumiti. Pagkatapos ay muli itong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Pinigilan niya ang sariling mapahagulhol sa mga bisig nito . Kailangan niyang maging matatag. Kailangan niya na itong pakawalan.
“Maraming salamat,” bulong nito. “Tandaan mo, ikaw pa rin ang best friend ko,” pinakawalan na siya nito. “Balang-araw may magmamahal din sa’yo ng tama, Arrhea. Isang lalaking mas higit sa akin at hindi ka sasaktan.”
Hindi siya sumagot at ginawa ang lahat ng makakaya para ngitian ito. “Tell Ashlee, I said ‘hi’. Dapat lang… dapat lang… na alagaan ka niya.”
Lumawak ang pagkakangiti nito at tumango. “Magiging masaya siya ‘pag narinig ‘yon,” ang kislap sa mga mata nito ay nagpapatunay lang sa hindi maikaka-ilang pagmamahal nito sa asawa. At sapat na iyon para tuluyan niya na itong pakawalan. Gusto niya itong maging masaya at tanging si Ashlee lang ang maka-gagawa niyon.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy Choi
Romansa"Bakit kung anong pinaka-gusto mo ay hindi mo makuha?" tanong niya dito. Naparami na yata ang nainom niya kaya nagawa niyang makipag-usap sa taong ito. Arrhea Aguirre, a very famous model and actress in South Korea. Hindi niya kailangan ang pagigin...