Chapter 13.3

2.7K 50 0
                                    

PAGKARATING niya sa kanilang agency ay saktong nakita niya ang secretary ni Raffy. Papasok na ito ng elevator kaya mabilis siyang tumakbo para mahabol ito.
“Andrew,” tawag niya. Agad naman itong napalingon at napatigil nang makita siya. Half-Filipino at Half-Korean din itong katulad ni Raffy. Tumigil siya sa harap nito at magalang na bumati.
“Arrhea, may problema ba?” tanong nito sa fluent na Tagalog. Kahit na matagal na itong namamalagi sa South Korea ay mukhang hindi pa rin naman nito nakakalimutan ang Tagalog.
“Pupunta ka rin ba sa opisina ni Raffy?” tanong niya. “Busy ba siya?”
Tumingin ito sa kanya. “Hindi,” sagot nito. “Pupunta ako sa financial department. May kailangan pa kasi akong ayusin na iniwang trabaho ni Sir Raffy.”
“Iniwan?” ulit niya. “Wala siya dito?” nagtatakang dagdag niya.
Tumango ito. “Dalawang araw na siyang nakaalis. May kailangan daw siyang kausapin sa London. Parang nabanggit niya si…” huminto ito. “Christopher Samaniego Jr., ‘yong sikat na businessman.”
Bigla siyang nakaramdam ng disappointment ng mga oras na iyon. Umalis ito? “Kailan daw ang balik niya?” tanong niya.
Nagkibit-balikat ito. “Hindi niya sinabi, pero mukhang matatagalan pa siya doon,” itinaas pa nito ang hawak na mga folders. “Ang dami niyang iniwang gawain sa akin, ano?”
Napatango na lang siya at nagpaalam na dito. Nanlulumo pa siyang lumabas ng building at dumiretso sa sariling sasakyan. Pumunta siya dito para makita ito, tumakas pa naman siya sa manager niya.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy ChoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon