Chapter 3.2

2.9K 46 0
                                    

HINDI mapalagay si Arrhea ng gabing iyon sa loob ng apartment niya. Ilang oras pa lang siyang nakakauwi, ilang beses niya na ring tinatawagan si Rafael pero hindi nito iyon sinasagot. Hindi niya alam pero nag-aalala siya para dito.
Kinuha niya ang pouch na nasa sofa at mabilis na lumabas ng apartment niya. Dumiretso siya sasakyan at pinaandar iyon patungo sa unit ni Rafael, malapit lang naman ito dahil parehas lang silang nasa Makati City.
Pagkarating doon ay mabilis siyang pumasok sa building na iyon at agad na dumiretso sa unit nito sa fourth floor. Ilang beses niyang pinindot ang doorbell pero walang sumasagot kaya napilitan siyang pasukin na lang iyon. Alam niya ang password ng unit nito dahil matagal na nito iyong sinabi sa kanya. Minsan kasi ay dinadalhan niya ito ng pagkain nito noon dahil hindi naman ito marunong magluto at nagtitiyaga na lang sa pagkain sa labas.
274533… bumukas ang pinto. Mabilis siyang pumasok sa loob. Hindi siya makapaniwala sa nadatnang ayos ng unit nito. Napaka-gulo ng living area nito, ang daming nakakalat na lata ng beers at lahat ng gamit doon ay wala na sa ayos. May mga basag ding vases at bote. Agad niyang hinanap kung nasaan ito, lumukob ang kaba sa puso niya nang makita itong nakahiga sa sahig. Hindi na ito gumagalaw. Ang suot na lang nito ay ang pantalon nitong suot pa kanina.
Mabilis siyang lumapit dito at niyugyog ito. “Rafael!” gising niya dito.
Nakahinga siya ng maluwag nang bahagya itong gumalaw at umungol. Tumingin ito sa kanya at ngumiti. “Hey,” bati nito sa lasing na tono. “A-Anong ginagawa mo dito?”
Tinulungan niya itong umupo. “Rafael, tigilan mo na ito,” pagalit niya dito. “Ano bang nangyayari sa’yo?”
Napasabunot ito sa buhok. Kitang-kita niya ang paghihirap sa mga mata nito. “Ashlee…” sambit nito, puno ng sakit ang boses. Pinilit nitong tumayo at umupo sa settee na naroroon. Inabot pa nito ang isang lata ng beer na nasa mesa at binuksan iyon.
Tuluyan ng pumatak ang mga luha niya sa nakikitang ayos nito. Tumayo siya at lumakad patungo dito. Inagaw niya ang beer na iniinom nito. “Stop this crap, Rafael!” bulyaw niya. “Stop being such a fool!”
Tumawa ito ng nakakaloko. “Yeah,” tumango-tango pa ito. “Yeah, I’m a big fool, Arrhea! The foulest fool in this whole planet!” maya-maya ay isinubsob nito ang mukha sa dalawang kamay at doon humagulhol ng pag-iyak. “Mahal na mahal ko siya… hindi ako mabubuhay ng wala siya.”
Nasasaktan siya sa mga sinasabi nito pero mas lalo siyang nasasaktan sa nakikitang paghihirap nito. Lumapit siya dito at niyakap ito ng mahigpit. Umiyak siya kasabay nito. “Bakit, Rafael? Bakit hindi mo siya makalimutan? Nandito naman ako.”
“Ashlee…” bulong nito. “I love you so much, Ashlee…”
Tuluyan na siyang napahagulhol. “T-Tama na…” Ayaw niya ng marinig ang bagay na iyon. Durog na durog na ang puso niya.
Marahan itong lumayo sa kanya at tinitigan siya. Nakita niya ang mga mata nitong hilam na hilam sa luha. Hinaplos niya ang mukha nito at pinunasan ang mga luhang iyon. Itinaas nito ang mga kamay at hinawakan siya sa balikat. Tinitigan niya ito.
“Hindi ba puwedeng kausapin ko siya? Kahit saglit lang?” tanong nito, desperado na ang tono nito. “Gusto kong sabihin sa kanya kung gaano ko siya kamahal, kahit hindi niya na ako magawang mahalin. Gusto ko siyang makita ulit, gusto ko siyang makausap ulit, at gusto ko siyang mahawakan ulit. H-Hindi ba puwede, Arrhea? Sabihin mo sa akin… hindi ba puwede?”
Kinagat niya ang pang-ibabang labi. He was totally devastated and it was hurting her so much.
Bumuntong-hininga ito at tumango. Tumayo ito at lumakad papunta sa isang sulok at doon umupo. “Hindi puwede, tama? Imposibleng kausapin niya ako. She never did,” anito. “Ano bang mayroon si Raffy na wala sa akin? Kaya ko naman siyang mahalin at alagaan ng higit pa sa ginagawa ng fiancé niya, ah. Why can’t I have her? Hirap na hirap na ako, Arrhea… ayoko na,” umiling pa ito. “Siya lang ang babaeng minahal ko ng ganito. Bakit hindi niya ako makita?”
Bakit hindi mo ako makita? gusto niyang isigaw dito. Ikaw lang ang lalaking minahal ko ng ganito! Bakit, Rafael?! Nahihirapan din naman ako!
Pumikit ito. Kahit galit na galit siya dito ay nanaig pa rin ang awa at pagmamahal niya para dito. Tumayo siya. Ayaw niya na itong makitang patuloy na nasasaktan. Lumakad siya palabas ng unit nito.
“Hindi ba puwedeng kausapin ko siya? Kahit saglit lang?”
Tinuyo niya ang mga luha. Okay, Rafael. Kahit saglit lang, magpaparaya ako. Mahal na mahal kita kaya gagawin ko ito. Sana pagkatapos nito, tingnan mo rin ako katulad ng pagtingin mo sa kanya.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy ChoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon