MABILIS na lumabas ng warehouse na iyon si Arrhea nang matapos ang shoot niya. Agad niyang iginala ang paningin sa paligid at nakita si Raffy na nakatayo sa tabi ng sasakyan nito. Kumaway ito sa kanya at binigyan siya ng napaka-guwapong ngiti nito. Tumakbo siya palapit dito nang bigla siyang harangin ni Michael ilang hakbang ang layo dito.
“Going to your prince charming?” tudyo pa nito. “Where are you heading next?”
Tiningnan niya ito ng masama. Kanina pa siya nito inaasar sa set, hindi pa rin ba ito titigil? Napatingin siya sa gilid nito nang lumapit doon ang asawa nitong si Stacey, kararating lang siguro nito. Agad namang nalipat ang tingin dito ni Michael at puno ng pag-aalalang hinawakan ito.
“Why did you come here, sweetheart?” hinaplos pa nito ang tiyan ng asawa. “You should just stay at home.”
Hindi niya naiwasan ang mapangiti sa mga ito. Narinig niyang nagdadalang-tao si Stacey at masaya siya para sa mga ito.
Napatingin siya kay Raffy nang lumapit ito sa kanila. Inakbayan pa siya nito. Tumingin si Stacey sa kanila, hindi nito pinansin ang patuloy na pagngu-ngulngol ng asawa.
“Kailan ba ang kasal niyo?” tanong nito. Napailing pa ito. “Para naman may sumunod na dito kay Michael at tuluyan ng maubos ang ‘breakers’ sa society niyo.”
Napatawa siya sa sinabi nito. Tumingala siya kay Raffy at hinayaan itong sumagot.
Ngumiti ito at sinagot iyon. “Soon,” maikling tugon nito.
“For sure, Raffy can’t wait for it,” pang-aasar na naman ni Michael.
Tumawa na lang si Raffy at muling tumingin sa kanya. “Kumain ka na ba?”
Umiling siya at lumabi. “Gusto kong ipagluto mo ako,” hiling niya dito. Gusto niya namang tikman ang luto nito.
“I’m a good cook,” singit naman ni Michael. Agad naman itong hinampas ni Stacey sa braso at humingi ng pasensiya sa kakulitan ng asawa.
Ngumiti siya at biglang may naalala. “Oh, nakalimutan ko ‘yong regalo sa loob,” napatingin siya sa warehouse na halos wala ng tao, tapos ng magpack-up ang production staffs at ang iba ay nagsi-alisan na. “Kukunin ko lang.”
“Ako na,” ani Raffy. “Hintayin mo ako dito,” pagkatapos ay lumakad na ito patungo sa warehouse.
Tiningnan niya lang ang likuran nito, gusto niya sana itong sundan pero muli namang nagsalita si Stacey.
“Mukhang in love na in love siya sa’yo,” sabi nito, tinutukoy si Raffy. “Hindi ko pa siya nakikitang nagkaganyan, kahit noong kami pa,” napatigil ito. “Oh, I’m sorry.”
Ngumiti siya. “Wala ‘yon,” napatingin siya kay Michael nang mapansin ang paglukot ng mukha nito. Napatawa siya. “Pero mukhang issue pa rin iyon sa asawa mo.”
Tumingin si Stacey dito at umiling. “Lagi naman ‘yang ganyan. Kahit sino na ay pinagse-selosan.”
“Why shouldn’t I? I am your husband but almost every man in every place you’re at looks at you as if you’re still available and—” hindi na ito nakatapos nang makarinig sila ng isang malakas na pagsabog, bahagya pang yumanig ang lupa at nakita na lang nila ang pagliyab ng warehouse na nasa harap.
Isa lang ang nasa isip niya ng mga oras na iyon – nasa loob ng warehouse si Raffy! “No!” sigaw niya at tumakbo patungo sa nagliliyab na warehouse. Hindi na siya nakalayo nang mabilis siyang pinigilan ni Michael. Tumingin siya dito, may pagkagulat rin sa mukha nito. Ganoon din si Stacey na nakatingin pa rin sa nasusunog na warehouse.
“Nasa loob si Raffy!” hysterical na wika niya. Basta na lang tumulo ang luha sa mukha niya. “Nasa loob siya! Kailangan ko siyang iligtas!” pilit siyang nagpu-pumiglas sa pagkakahawak ni Michael, lumapit na din si Stacey at hinawakan siya. “Oh, please, please, pakawalan niyo ako!” iyak niya. “Let me go! Raffy!” paulit-ulit niyang isinigaw ang pangalan nito. No! No! No!
Ilang securities na ang nagsisimulang i-secure ang lugar, naririnig na rin nila ang tunog ng sirena.
Muli siyang tumingin kay Michael at nagmakaawa. “Pakawalan niyo ako, kailangan ko siyang makita, Michael, please,” napahikbi na siya. “P-Please,” nangangatal na rin ang buong katawan niya. Hindi nangyayari ito. Isa lang itong bangungot at kailangan niya ng gumising. “Parang awa niyo na…”
“I’ll go inside,” narinig niyang wika ni Michael. “Stay here, both of you,” tumingin ito kay Stacey. Nakita niya pa ang pag-iling ni Stacey dito. “I need to look for him, sweetheart,” lumapit ito sa asawa at ginawaran ng halik ang mga labi nito. “I’ll be back,” pagkatapos ay tumakbo na ito patungo sa nasusunog na warehouse kasabay ng mga bumbero at ilang medics.
“Maaayos din ang lahat,” narinig niyang wika nito, mahina na rin ang boses. Tumingin ito sa kanya, pinipilit maging matatag. “Arrhea, calm down.”
Umiling siya. Hindi, hindi ito nangyayari. Nanlabo na ang paningin niya dahil sa luha. Raffy… please… please… nahihirapan na siya sa paghinga.
“Arrhea!” narinig niyang boses ng manager niyang papalapit. Hindi niya na nagawang makita ito dahil bigla na lang dumilim ang buong paligid niya at nawalan siya ng malay.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy Choi
Romance"Bakit kung anong pinaka-gusto mo ay hindi mo makuha?" tanong niya dito. Naparami na yata ang nainom niya kaya nagawa niyang makipag-usap sa taong ito. Arrhea Aguirre, a very famous model and actress in South Korea. Hindi niya kailangan ang pagigin...