Chapter 1.1

6.9K 82 0
                                    

“CUT!” sigaw ng direktor ng photo shoot ni Arrhea para sa isang kilalang magazine sa South Korea. Bumuntong-hininga muna siya bago magalang na yumuko para magpa-salamat sa mga staffs na naroroon.
Agad na lumapit sa kanya ang manager niyang si Da Seul para abutan siya ng tubig at ng schedules niya para mamaya. Simula ng maging artista siya sa Korea ay ito na ang naging manager niya at itinuring niya na itong isang kapamilya. Purong Koreana ito. Thirty-seven na ito pero wala pa itong asawa dahil sa ibinuhos na nito ang oras sa kanya. Para niya na itong ina, ito ang palaging nakakasama niya sa lahat ng bagay, mapasama man iyon o mapabuti.
Ito lang din ang napagsasabihan niya ng mga sikreto niya simula ng mamatay ang Mommy Mia niya noong sixteen years old pa lang siya. Aksidenteng nabaril ang mommy niya, hindi niya alam ang buong kuwento noon dahil hindi rin naman naiku-kuwento sa kanya ng Daddy at ng Kuya Justin niya. Kahit ilang beses niyang tanungin ay ayaw na ng mga itong pag-usapan ang nangyari.
Tatlong taon pagkatapos mamatay ng kanyang ina ay muling nag-asawa ang Daddy niya – sa stepmom niyang si Han Gil Young. Singer at composer ito dito sa bansang South Korea. Ito rin ang dahilan kung bakit siya napasok sa entertainment industry dito. May isa siyang step-brother na si Jino Aguirre. Kahit na close siya sa step-brother niya ay hindi naman siya ganoon ka-close sa step-mother niya pero maayos naman ang samahan nila.
Miss na miss niya na ang tunay niyang ina, hindi niya pa rin gaanong natatanggap na wala na ito. Pero kung mahirap para sa kanyang tanggapin ang pagkawala nito, sigurado siyang mas mahirap iyon para sa Kuya Justin niya. Alam niyang malapit na malapit ito sa Mommy nila, malimit kasing mag-away ito at ang Daddy Jason niya kaya ang Mommy nila ang laging takbuhan nito noong mga bata pa sila. At ang pagkakatanda niya ay ito ang kasama ng Mommy nila nang mabaril ito.
Napabuntong-hininga siya. Kaya siguro hindi pinili ng Kuya Justin niya na tumira dito sa Seoul ay dahil hindi pa rin nito matanggap na wala na ang Mommy nila at may bagong buhay na ang Daddy nila. Bumibisita naman ito minsan pero agad din itong nagpa-paalam.
“You have one more schedule for this day, Arrhea,” pukaw sa kanya ng manager niya.
Tiningnan niya ang hawak na tablet kung saan nakalagay ang mga schedules niya. Isa iyong guesting sa isa sa mga pinaka-sikat na talk show dito sa South Korea.
Napatango siya. Mabuti naman at isa na lang ang natitira niyang schedule ngayong araw. Gusto niya na kasing magpahinga, nakakapagod din ang photo shoot na ginawa niya kanina.
Muli siyang napatingin kay Da Seul nang may maalala. “By the way, am I going to have my vacation next week?” tanong niya dito. Ilang beses na siyang humihingi ng bakasyon sa entertainment agency nila dahil may gusto siyang gawin.
Napabuntong-hininga ito. “I still need to talk about that to Mr. Choi.”
Tumaas ang isang kilay niya. Raffy Choi? naisip niya. Bakit ba napakahirap paki-usapan ng lalaking iyon? Simpleng bakasyon lang naman ang kailangan niya, hindi naman iyon makaka-apekto ng malaki sa kita nito.
Ang lalaking iyon ang CEO/owner ng Choi Group Talent Agency na humahawak sa kanya, kahit na magkababata sila ay hindi niya man lang nagustuhan ang ugali nito. Masyado itong seryoso sa buhay at sa mga ginagawa nito, palagi na lang iniisip ay ang makaka-ganda sa trabaho at sa sarili nito. Sa isang salita ay napaka-makasarili nito. Ni minsan ay hindi siya nakipag-usap dito ng matagalan, nakakausap niya lang ito kapag may kailangan itong sabihin tungkol sa trabaho. Hindi niya alam kung paano ito pakikitunguhan – siguro dahil napakarami nilang pagkaka-ibang dalawa.
Ibang-iba ito sa kakambal nitong si Rafael. Agad na sumilay ang isang ngiti sa mga labi niya sa pagka-alala dito, ito lang ang nag-iisang lalaki na nakakaintindi sa kanya. Best friend niya ito at ang lalaking minamahal niya simula noong mga bata pa sila. Nandito na ang lahat ng hinahanap niya sa isang lalaki, ito rin ang dahilan kung bakit siya humihingi ng bakasyon ngayon. Gusto niyang hanapin ito. Nabalitaan niya kasing bumalik na daw ito sa Pilipinas. Mahigit isang taon niya din itong hindi nakikita o nakakausap man lang dahil sa States na ito naglalagi. Gusto niyang sabihin dito ang nararamdaman niya para dito kapag nakita niya ito, ayaw niya ng magtago. Walang mangyayari kung hindi siya gagawa ng paraan. Kailangan niya mag-take ng risks para makuha ang gusto niya.
“It’s hard to talk to him right now,” narinig niyang dugtong pa ni Da Seul. “Have you heard that he got engaged a few weeks ago?”
Hindi niya naitago ang pagkagulat sa sinabi nito. “R-Raffy… got engaged?” ulit niya sa sinabi nito.
Tumango ito. “Yeah… to his long-time girlfriend, Ms. Ashlee Fortich.”
Bahagya siyang natigilan pagkarinig sa pangalan ni Ashlee, pero agad din naman siyang napangiti. Magaling, naisip niya. Mabuti naman at naisipan na rin ng mga itong ma-engaged na. Siguradong hindi magtatagal ay kasal na din ang kahahantungan ng mga ito.
Hindi pa rin maitatago ang saya sa mukha niya hanggang sa makapasok sila sa loob ng van nila. Mas gusto niya tuloy makita si Rafael ngayon.
Ipinikit niya ang mga mata. Sana naman ay ma-aprubahan na ang hinihingi niyang bakasyon. Gusto niya na talagang mahanap si Rafael at magamit ang pagkakataong ito para masabi dito ang nararamdaman niya.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy ChoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon