INIS na nai-hilamos ni Raffy ang isang kamay sa mukha. Kanina pa siya pabalik-balik sa loob ng opisina niya. Ano bang nangyayari sa kanya?
Tumingin siya sa pinto ng opisina. Gusto niyang buksan iyon at makita ito. Oo, nangako siyang dadalhin ito sa Namsan Tower sa sunod na day-off nito pero hindi niya na magagawang tuparin iyon.
Inis niyang niluwagan ang kurbatang suot at umupo sa couch. Kapag ginawa niya iyon, kapag dinala niya ulit ito sa isang lugar, baka kung ano na naman ang maalala nito. Masasaktan lang ulit siya.
“The truth is I never really had a man in my life… Cause I only wanted him. It’s always been him…”
Napaismid siya ng maalala ang mga sinabi nito noon. Wala na siyang magagawa pa. Alam niyang hindi niya magagawang palitan si Rafael sa puso nito kahit na anong gawin niya. He knew Rafael was so much better than him, kaya kailangan niyang pakawalan ito at iwasan hangga’t sa maaari. Iyon ang dapat niyang gawin. Hindi niya gustong mahulog ng malalim at umuwi lang ng maraming sugat. Hindi siya sanay makaramdam ng ganitong klase ng sakit at kinaiinisan niya iyon. He hated how his heart kept on wanting her but breaking at the same time because of that. Kailangan niya na itong kalimutan sa lalong madaling panahon.
![](https://img.wattpad.com/cover/191419619-288-k8401.jpg)
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy Choi
Romance"Bakit kung anong pinaka-gusto mo ay hindi mo makuha?" tanong niya dito. Naparami na yata ang nainom niya kaya nagawa niyang makipag-usap sa taong ito. Arrhea Aguirre, a very famous model and actress in South Korea. Hindi niya kailangan ang pagigin...