Chapter 18.2

2.9K 54 0
                                    

AGAD na sinalubong si Arrhea ng manager niya sa Incheon International Airport, nasa mukha nito ang pag-aalala. Tinanong niya dito ang dahilan pero wala itong ibang sinabi kundi ang kailangan na agad nilang umalis sa lugar na iyon.
Subalit bago pa sila makalabas ng airport ay agad na sumalubong sa kanila ang mga reporters na naroroon. Patuloy lang ang mga ito sa pagkuha ng larawan niya at pagtatanong tungkol sa lumabas na balita. May iniabot ang mga itong diyaryo sa kanya at ganoon na lang ang gulat niya sa nilalaman ng front page noon.
Nakasulat doon ang tungkol sa lihim na relasyon niya sa President ng agency nila – at si Raffy iyon, siyempre. Alam niyang si Brianna ang may kagagawan nito.
Sunod-sunod na ang ginawang pagtatanong ng mga ito sa kanya. Pilit namang hinaharangan ng manager niya at ng ilang mga security ng airport na iyon ang mga ito.
Bumuntong-hininga siya at hinawakan ang balikat ng manager niya. Tumingin ito sa kanya at bahagya niya itong tinanguan para hayaan siyang magsalita. Humakbang siya paharap sa mga camera at inamin sa mga ito ang katotohanan. Sinabi niya sa mga itong lahat ng nasa balita ay totoo – na tunay na may relasyon sila at wala siyang pakialam sa mga sasabihin o iisipin ng iba. Mahal niya ito at iyon ang mahalaga.
Mukha namang nasiyahan ang mga ito sa ipinagtapat niya at nagkanya-kanya na ng tawagan sa mga kumpanya nito para ilabas ang balita. Nagpaalam na siya sa mga ito at lumayo na. Siguradong siya na naman ang laman ng balita maya-maya. Wala na siyang pakialam doon.
Pagkapasok nila sa sasakyan ay agad siyang kinompronta ng manager niya.
“What’s this all about, Arrhea? What’s going on?” nasa tono nito ang pagka-taranta at pagkagulat.
Nginitian niya lang ito. Saka niya na sasabihin dito ang lahat pagka-uwi nila.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy ChoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon