Chapter 14.1

3K 48 0
                                    

PERO hindi magawa ni Arrhea na hayaan na lang iyon. Kailangan niya ng eksplenasyon mula dito. Gusto niyang malaman kung ano ang nagawa niya para umakto ito ng ganoon, kaya napag-pasyahan niyang bisitahin ulit ito sa opisina nito ng araw na iyon.
Bago pumunta doon ay nagluto muna siya ng pagkain para ibigay dito. Peace offering – kung sakaling may nagawa nga siyang mali dito, but she doubt it.
Pagkarating sa agency at sa opisina nito ay muli na naman niyang nasalubong ang secretary nito. Ipinaikot niya ang mga mata. Not again.
Agad na ngumiti si Andrew nang makita siya. “Hinahanap mo uli si President Choi?” hula nito.
Ginantihan niya ang ngiti nito at tumango. “Nandiyan ba siya sa loob?”
“Wala,” sagot nito.
Natigilan siya sa sagot nito. “Huwag mo sabihing umalis na naman siya ng bansa?” unti-unti ng nauubos ang pasensiya niya. Ginagawa talaga nito ang lahat para maiwasan siya. Pero bakit? Wala naman siyang ginagawa dito, ah?
Nakahinga naman siya ng maluwag nang umiling ito. “Umuwi na siya. Ang sabi niya ay masama daw ang pakiramdam niya kaya magpapahinga muna siya.”
Tumango siya, bigla siyang na-guilty sa naisip niya kanina. “Sa mansiyon niya ba siya tumutuloy ngayon?” tanong niya.
Napaisip ito. “No, Sa tingin ko nandoon siya sa condominium place niya. Nabanggit niya kasi kanina na dadaan muna siya doon.”
Nag-alinlangan pa siya ng ilang saglit bago nagtanong. “P-Puwede ko bang makuha ang address niya?”
Napatingin ito sa kanya. Mukhang may gusto itong itanong pero ngumiti na lang at ibinigay sa kanya ang address na hinihingi.
Nagpa-salamat siya dito at mabilis na umalis. Inabot ng ilang minuto bago siya nakarating sa lugar nito. Hindi iyon ganoon kalayo sa Banpo Bridge at tunay na work of art ang condominium na iyon. It was very luxurious inside and out. Siguradong mayayaman lang ang nakaka-afford na makabili ng isang unit doon.
Pumunta siya sa main lobby at tinanong sa attendant ang unit ni Raffy. Nagulat pa siya nang sabihin nitong nasa penthouse ito sa forty-eighth floor. Nagpa-salamat siya dito at tinungo ang elevator.
Matiyaga siyang naghintay sa loob hanggang sa makarating iyon sa forty-eighth floor at lumabas. Isa lang ang kuwartong naroroon at obvious na iyon ang penthouse na tinitirhan nito. Naalala niya ang sinabi nito tungkol sa view ng condominium place nito. Sa taas ba naman nito ay hindi makikita ang kabuuan ng lungsod?
Humugot siya ng malalim na hininga bago humakbang palapit sa pinto nito at nag-aalangang pinindot ang doorbell. Ilang minuto ang dumaan bago niya narinig ang pagbukas ng pinto, nagpapa-salamat siya na hindi nito ginamit ang intercom para makita siya.
Malinaw niyang nakita ang pagkagulat sa mukha nito pagkakita sa kanya. Nakasuot ito ng abuhing long-sleeved shirt at jogging pants. Mukha talagang may sakit ito.
Tumikhim siya. “N-Narinig kong may sakit ka daw,” pagsisimula niya, nakaramdam siya ng nerbiyos sa nakikita niya sa mukha nito. Marahan niyang itinaas ang hawak na bag na kinalalagyan ng dala niyang pagkain. “Nagdala ako ng pagkain,” dugtong niya.
Tiningnan nito ang bag na hawak niya. “Kumain na ako”, marahas ang pagkakasabi nito niyon. “Umuwi ka na. Wala ako sa mood makipag-usap sa tao.”
Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang pag-iyak. How could he be so harsh?
Aktong sasarhan na ulit nito ang pinto nang iharang niya ang kamay doon. Hinarap niya ito, malamig pa rin ang mga mata nito. “Ano bang problema mo?” galit na wika niya. Hindi niya na kaya pang pagpasensiyahan ang mga inaakto nito. “May ginawa ba akong mali?”
Pumikit ito. “Wala,” bulong nito.
“Then what the hell is your problem?!” hindi niya na napigilan ang sigawan ito. Wala naman pala siyang ginagawang masama, bakit ganito na lang kung tratuhin siya nito? Akala niya ba nagkakasundo na sila? Bakit bigla na lang itong naging ganito?
Sa pagkagulat niya ay hinablot nito sa kanya ang hawak na bag ng pagkain at inihagis iyon sa loob ng condo nito. “Kakainin ko iyon mamaya,” wika nito, punong-puno ng pagkainis ang mukha nito. “Now leave,” he added, gritting his teeth.
Muntik na siyang mapaiyak kung hindi niya lang na-kontrol ang sarili. Gusto niyang sampalin ito ng malakas sa mukha. Napakasama nito.
Itinaas niya ang ulo, hindi siya papatalo dito. “I’m not going to leave until you tell me why you’re acting like a stupid jerk! Sabihin mo sa akin ang problema mo at aalis ako,” subok niya dito. Hindi siya aalis ng lugar na ito hangga’t hindi niya naririnig ang dahilan kung bakit nagagalit ito sa kanya.
Sa unang pagkakataon simula ng dumating siya dito, direkta itong tumingin sa mga mata niya ng may galit, pero mayroon pang iba sa mga mata nito maliban sa galit. Parang nasasaktan ito? Pero bakit?
“Do you want to know what my problem is?” sabi nito, marahas ang tono. Nanatili siyang nakatayo, hindi alam kung ano ang isasagot. Pero nagpatuloy ito, “I will tell you what the hell my problem is,” kitang-kita na ang sakit sa mga mata nito. “I love you. I love you so much, Arrhea.”
Alam niyang kakikitaan ng sobra-sobrang pagkagulat ang mukha niya sa sinabi nito. He what? Tumigil din sa paggana ang utak niya. Hindi siya makapag-isip, hindi siya makagalaw, ni hindi nga rin siya makahinga. Nakatigil lang siya doon, gulat na gulat para makabuo pa ng mga salita.
“I love you,” bulong nito, halatang-halata ang sakit sa tono nito. Para bang suklam na suklam ito sa mga salitang iyon. “I love the way you look at me everytime you talk to me. I love your smile and that enchanting laugh you had. I love those beautiful eyes, your hair… everything. I love the way you walk and the way you call my name. I love it so much that every time I see you, my mood changes. I love it when you first held my hand and get weak because of that,” iniwasan nito ang mga mata niya. “Ngayon, alam mo na kung ano ang problema ko. Umalis ka na,” utos nito.
Nasa estado pa rin siya ng pagkagulat sa lahat ng ipinagtapat nito. Paano magiging posible ang lahat ng iyon? Yumuko siya. Anong gagawin niya? Tatakbo ba siya para kalmahin ang sarili at babalik dito para sagutin ito? Pero anong sasabihin niya?
Bago pa siya makapag-isip ay muli itong nagsalita. “Ayoko nito,” dagdag nito. Pagtingin niya dito ay muli niyang nakita ang pagbalik ng inis sa mukha nito. “This feeling… I don’t like this,” muli itong tumingin sa kanya. “Alam ko kung gaano mo kamahal ang kapatid ko at hindi na ‘yon magbabago. Naiintindihan ko ‘yon. Kaya mas mabuti pang huwag na tayong mag-usap… kahit kailan,” isinuklay nito ang isang kamay sa buhok, parang pagod na pagod. “Stay away from me. Ito ang makakabuti sa akin at sa’yo. Ayokong i-pressure ka, ginagawa ko ang lahat para makalimutan ang walang-kuwentang damdamin na ito. Kaya umalis ka na at huwag ka ng lalapit sa akin,” tumalikod na ito at sinarhan ang pinto.
Naiwan siya doong nakatulala at hindi maka-galaw, o kaya ay makapag-isip. Napakabilis ng mga pangyayari, lahat ay hindi kapani-paniwala. It was absurd to even think that this was real, but it was. Narinig niya ang lahat, nakita niya ang ka-seryosohan sa mukha nito.
Pinilit niyang klaruhin ang isip. Kailangan niya ng umalis sa lugar na iyon. Kailangan niyang gumalaw.
Mabilis niyang hinakot ang natitirang lakas at lumakad patungo sa elevator. Mabuti na lang at agad iyong nagbukas nang pindutin niya. Hindi niya alam kung makakatagal pa siya sa pagtayo.
Pagkapasok ay sumandal siya sa dingding niyon at dumausdos pababa para umupo sa sahig. Lahat ng enerhiya sa katawan niya ay naubos ng lahat. Hindi niya na rin napigilan ang sarili sa pag-iyak. Iyon lang ang tanging paraan para alisin ang lahat ng bigat na nararamdaman sa puso niya.
Laking pasasalamat niya nang tumuloy lang ang elevator sa pagbaba hanggang ground floor. Nang bumukas iyon ay agad niyang pinunasan ang mga luha sa mukha at nakayukong lumabas at dumiretso sa kinapaparadahan ng sariling sasakyan.
Pumasok siya sa loob at pinatakbo iyon. Nagpatuloy lang siya sa pagmamaneho hanggang sa marating niya ang Banpo Bridge. Ipinarada niya ang sasakyan sa parteng wala masyadong dumadaang tao, pero hindi siya lumabas.
Tumitig lang siya sa Rainbow Fountain ng tulay at bumuntong-hininga. Pagkatapos ay ipinatong niya ang ulo sa headrest ng upuan. Tama ito. Mas mabuti na ang umiwas para maiwasan rin ang masaktan muli.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy ChoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon