Chapter 2.3

2.9K 60 0
                                    

NAPAILING si Raffy nang ibalik niya ang cell phone sa loob ng suot na suit. Napatingin siya kay Arrhea, tuluyan na itong nakatulog sa pagkaka-subsob nito sa mesang nasa harap.
Marahan niya itong niyugyog sa balikat. Umungol lang ito pero hindi nagising. Nai-hilamos niya ang kamay sa mukha, puro problema na lang ba ang ibibigay sa kanya ng mga talents niya ngayon? Pagod na pagod na siya, gulong-gulo pa ang isip niya sa kaiisip kung paano tatanggapin ang bagong buhay niya ngayon pagkatapos ng engagement niya kay Ashlee.
Muli niyang naalala ang sinabi nito kanina. Ilang sandali niya itong tinitigan. So, in love pala ito sa kakambal niya. Napailing siya. Really, life and love was so funny. Pero tama ito, hindi naman talaga magandang si Rafael ang palaging nakakasama ng fiancée niya.
Napabuntong-hininga siya. Mukhang kailangan niya na talagang bumalik kay Ashlee bago pa lumala ang lahat. Tutal, tapos na naman ang inaasikaso niyang problema dito, dapat na sigurong pagtuunan niya naman ng pansin ang pagsasama nilang dalawa. Ngayon pa na malapit na silang ikasal.
Hindi niya mahal si Ashlee pero kailangan niyang pilitin. Sigurado namang balang-araw ay matututunan niya rin itong mahalin.
Muli siyang napatingin kay Arrhea nang muling umungol ito. Aktong yuyugyugin niya ulit ito nang magsalita ito.
“Rafael…” bulong nito sa pagtulog.
Napailing siya. Kailangan niya na talagang bumalik sa Pilipinas at ilapit dito si Rafael. Mukhang tuluyan nitong sisirain ang buhay nito kapag hindi nito nakuha ang kakambal niya. Makakasama iyon sa agency niya, isa pa naman ito sa pinaka-magaling niyang talents. Sana lang ay mapagtuunan din ito ng pansin ni Rafael.
Napaisip siya. Pero mukhang imposibleng mangyari iyon kung sa ibang babae naman nakatuon ang pansin ng kakambal niya. At iyon ay sa fiancée niya.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy ChoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon