Chapter 2.4

3K 55 1
                                    

MASAYANG pumasok sa loob ng Korean Cinematographic Filming Network si Arrhea ng araw na iyon. Pag-aari din ang network na iyon ng boss nilang si Raffy Choi, nandoon siya para sa isang guesting sa isang variety show na naka-schedule sa kanya ngayong araw.
Masaya siya dahil narinig niyang bumalik na sa Pilipinas si Raffy ilang araw na ang nagdaan, at sigurado siyang bumalik na rin ito sa fiancée nito. At pinadalhan siya ni Rafael ng mensahe kahapon na nagsasabing magbabakasyon muna daw ito sa South Korea ng ilang linggo.
Sinabi niya dito kung saan ang last schedule niya ngayong araw para makapunta ito.
Ilang oras ang inabot bago natapos ang filming niya, nakakapagod pero masaya naman ang variety shows dito. Ilang minuto pa siyang nakipag-kuwentuhan sa ilang kakilalang artista na naroroon pagkatapos ng filming. Pagkatapos ay narinig niya ang pagtunog ng cell phone niya. Tiningnan niya iyon at binasa ang message na naroroon.
I’m outside.
Sender: Rafael.
Hindi niya napigilan ang mapangiti pagkabasa niyon. Agad siyang nagpaalam sa mga kausap at mabilis na lumabas ng studio. Lampas seven na ng gabing iyon. Tumakbo siya patungo sa parking lot at nakita ang isang itim na motorbike sa tabi ng kotse niya.
Agad na bumilis ang tibok ng puso niya pagkakita kay Rafael na nakatayo sa tabi noon. Suot nito ang paboritong black-leather jacket nito at itim na pantalon. He polished his black shoes like a military man. Of course, ilang taon din itong nagsilbi sa army ng South Korea. Isa pa nga ito sa high-ranking officials ng marines dito bago nito naisipang mag-take ng engineering sa States.
Tumakbo siya palapit dito. Mukhang hindi pa siya nito napapansin dahil nakatitig ito sa malayo.
“Rafael!” masiglang pagtawag niya sa pangalan nito.
Tumingin ito sa kanya at ngumiti. Pero malungkot ang mga mata nito at alam niya kung bakit. Inalis niya agad sa isipan ang bagay na iyon, gagawin niya ang lahat para matuon sa kanya ang nararamdaman nito. Gagawin niya ang lahat para makalimutan nito si Ashlee.
“Tapos na ba ang schedule mo?” tanong nito.
“Oh,” tumango siya. Lumapit siya dito at ikinawit ang mga kamay sa braso nito. “Gusto mo bang mamasyal muna? Gusto kong makita ang Banpo Bridge. Gusto ko rin kasing makapag-relax, nakakapagod ang filming kanina.”
Tumango na lang ito. “Paano ang sasakyan mo?”
“Ipapakuha ko na lang iyan sa manager ko,” sagot niya. “Tara na?”
Muli itong tumango, sumakay na ito sa motorbike nito at isinuot ang helmet na nandoon. Iniabot nito sa kanya ang spare helmet na dala nito at isinuot niya iyon bago umangkas sa likod nito. Iniyakap niya ang mga kamay sa katawan nito nang sinimulan na nitong paandarin ang motorbike.
Ngumiti siya at hinigpitan ang pagkaka-yakap dito. She missed him so much. Sobra-sobra ang saya niya dahil kasama niya na ito ngayon.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy ChoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon