NAPATINGIN si Arrhea kay Raffy nang pumasok ito sa warehouse sa Paraňaque City kung saan sila nagsu-shooting ng drama niya. Mabuti na lang at hindi pa siya ang nakasalang sa camera kaya nakalapit siya dito.
“Bakit ka pumunta dito?” tanong niya dito, gusto niya itong yakapin pero masyadong maraming tao ang naroroon at ang iba ay nakatingin na sa kanila.
“Gusto kitang makita,” sagot nito. “Tapos ka na ba?”
Umiling siya. “May isa pa akong scene para ngayong araw,” aniya. Lumakad sila patungo sa isang sulok at naupo sa bench na naroroon. Hindi lang kalayuan sa kanila ang set kung saan ang scene ni Michael ang ginagawa. “Hihintayin mo ba ako?”
Tumango ito at inayos ang ilang hibla ng buhok niyang nakaharang sa mukha niya.
Ilang sandali lang ay may lumapit sa kanilang isang lalaking sa tingin niya ay isang delivery boy. May hawak itong isang kahon na nakabalot sa isang mamahaling gift wrapper at iniabot sa kanya.
“Delivery para po kay Ms. Arrhea Aguirre,” sabi nito. May iniabot din itong papel sa kanya. “Paki-pirma na lang po.”
Nagtataka pa niyang pinirmahan iyon at tinanong kung kanino galing ang regalo. Sinabi lang nito na may nagpadala niyon sa opisina nila, pagkatapos ay nagpaalam na ito.
Nagdududa siyang tumingin kay Raffy na nakatingin sa kahong hawak niya. “Hindi ba ito galing sa’yo?” hula niya. Baka pakulo na naman nito iyon.
Ibinalik nito ang tingin sa kanya at umiling. “Baka galing sa secret admirer mo?”
Tumawa siya at kinuha ang card na nasa ibabaw ng kahon. Binasa niya ang nilalaman niyon.
Congratulations on your wedding. Best wishes.
Walang pangalan ng sender doon. Sino naman kaya ang magpapadala agad sa kanya ng regalo para sa kasal? Ipinasok niya ang card sa bulsa ng pantalon pagkatapos basahin. Aktong bubuksan niya na iyon nang marinig ang pagtawag ng direktor sa pangalan niya. Ipinatong niya muna ang kahon sa bench at tumayo.
“Hintayin mo na lang ako sa labas,” sabi niya kay Raffy. “Mabilis na naman ito, pagkatapos puwede na tayong umuwi,” ngumiti siya at mabilis na hinalikan ito sa mga labi. Narinig niya pa ang pagtawa nito nang lumakad siya palayo. Gusto niyang mabilis na tapusin ang scene na gagawin at makasama ito.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy Choi
Romansa"Bakit kung anong pinaka-gusto mo ay hindi mo makuha?" tanong niya dito. Naparami na yata ang nainom niya kaya nagawa niyang makipag-usap sa taong ito. Arrhea Aguirre, a very famous model and actress in South Korea. Hindi niya kailangan ang pagigin...