HINDI mapakali si Arrhea sa loob ng apartment niya sa Parklane Salcedo, Makati City. Higit isang linggo na siyang nananatili dito sa bansa, hindi niya naman ma-kontak si Rafael dahil hindi naman ito sumasagot.
Kanina pa siyang nakapag-desisyon. Babalik siya ngayong araw sa Seoul para kausapin si Raffy. Hindi niya mahahayaang patuloy lang na malubog si Rafael sa sitwasyong ito. Sigurado siyang ito lang din ang masasaktan sa huli. Nakausap niya na ang manager niya para magpa-book ng flight ngayong gabi pabalik sa South Korea.
Nakapag-empake na din siya at nailagay niya na rin iyon sa loob ng kotse. Pinadalhan niya ng mensahe ang manager niya na makikipagkita siya dito sa airport maya-maya. Dadaan muna kasi siya kina Rafael para mag-paalam dito. Gusto niyang masilayan muna kahit ilang saglit ang mukha nito para magkaroon siya ng lakas ng loob na kausapin si Raffy.
Dumiretso siya sa bahay ng mga ito at ipinarada ang sasakyan sa labas ng gate.
Inayos niya muna ang sarili bago lumabas ng sasakyan. Lumakad siya patungo sa gate at marahang binuksan iyon. Pagkapasok niya ay agad siyang napatingin sa garden ng mga ito. Ikinagulat niya ang nadatnang tagpo – Rafael and Ashlee kissing and hugging each other passionately! Napasinghap siya, tuluyan nang nawasak ang puso niya sa nakikitang iyon. Nakita niya ang sabay na paglingon ng mga ito sa kinatatayuan niya. Punong-puno ng panghuhusga ang mga mata niya habang nakatingin sa mga ito.
Kitang-kita niya rin ang hindi mai-tatangging pagkagulat sa mga mata ni Rafael. So, pati ba ang bagay na ito ay kailangan din nitong gawin para maging makatotohanan ang pagpapanggap nito?
Sobra na ito, Rafael! Fiancée iyan ng kapatid mo! Gusto niyang isigaw ang mga salitang iyon dito. Gustong-gusto niyang sabihin kay Ashlee ng mga oras na iyon ang katotohanan, pero hindi niya magawa. Naaalala niya ang pagmamakaawa sa kanya ni Rafael noon, ang kalungkutan sa mga mata nito. Iniiwas niya ang tingin sa mga ito nang maramdaman niya ang pagpatak ng luha sa mukha niya.
“I-I’m sorry…” wika niya sa mahinang tinig. “I just want to tell you that I need to go back in Korea tonight,” iyon lang at nakayuko pa rin siyang nagtatakbo palabas. Dumiretso siya sa kanyang sasakyan at doon na tuluyang napahagulhol.
Pinukpok niya ang kaliwang dibdib, sobrang sakit na ang nararamdaman niya. Pakiramdam niya ay tuluyan ng nawala sa kanya si Rafael ng mga oras na iyon.
Umiling siya. Hindi ito ang dapat na mangyari. Bakit kailangang mangyari ang lahat ng ito? Napakatagal niya nang inasam na muling makita si Rafael at masabi dito ang nararamdaman, kung kailan nagkaroon na siya ng pagkakataon ay saka pa naman nangyari ang bagay na ito. Bakit ba napakalupit ng mundong ito?
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy Choi
Romance"Bakit kung anong pinaka-gusto mo ay hindi mo makuha?" tanong niya dito. Naparami na yata ang nainom niya kaya nagawa niyang makipag-usap sa taong ito. Arrhea Aguirre, a very famous model and actress in South Korea. Hindi niya kailangan ang pagigin...