Chapter 9.5

2.7K 55 0
                                    

Lampas alas-sais na ng gabi nang magising siya sa mahimbing na pagtulog at lumabas ng cottage. May kadiliman na sa labas at hindi niya alam kung tapos na ba ang shoot. Hinawakan niya ang sariling buhok, magulo pa iyon dahil sa pagtulog. She was sure that she looked like a mess at this time.
Ilang hakbang pa lang siyang nakakalayo sa cottage nang makasalubong niya si Raffy. Ganoon pa rin ang suot nito pero medyo tuyo na. “A-Ayos na ba ‘yong model?” tanong niya. “Yong niligtas mo?”
Tumango ito. “Oo, dinala na siya sa ospital.”
“Mabuti,” wika niya, tumango-tango pa. Patuloy pa rin siya sa pagsusuklay sa magulong buhok. Pinilit niyang ngumiti. Nakakaramdam na siya ng hiya dahil sa pagharap niya dito nang hindi man lang nag-aayos at bagong gising pa. “B-Babalik na muna ako sa cottage. I’m a mess right now. Siguradong pagta-tawanan ako ng makakakita sa akin,” tumalikod na siya pero napatigil nang hawakan nito ang braso niya.
“You’re beautiful, Arrhea,” tutol nito sa sinabi niya.
Rumihestro ang pagkagulat sa mukha niya dahil sa sinabi nito. Ano na naman bang sinasabi nito? Ganito na nga ang itsura niya ‘tapos nasasabi pa nito iyon. “W-Wha—” hindi na naman niya naituloy ang sasabihin nang humakbang ito palapit sa kanya.
Ikinulong nito ang mukha niya sa mga kamay nito at marahang hinalikan ang noo niya. Mabilis lang iyong nangyari pero pigil niya pa rin ang hininga ng ilang sandali. Tumigil din sa paggana ang utak niya.
Dahan-dahan ay pinakawalan nito ang mukha niya at umatras. His dark brown eyes met hers. “You are beautiful,” sabi nito. “You always have been and you always will be.”
Wala siyang mahanap na salita. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Nanatili lang siya doon na parang batong estatwa na hindi makagalaw o kaya’y makapag-isip.
Sinundan niya na lang ito ng tingin hanggang sa makaalis ito. Hindi pa rin magawang i-proseso ng utak niya ang lahat ng nangyari. Baliw na siguro siya, maging ito. Bakit nito sinasabi at ginagawa ang mga bagay na iyon? Nakainom ba ito? Nasiraan na ba ito ng bait nang makainom ng tubig-dagat?
Ah! Tuluyan na siyang nababaliw! Mabilis siyang tumalikod at tumakbo pabalik sa sariling cottage. This day was very, very, very – ah! Whatever! She couldn’t explain it; she needed to get her senses back quickly.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy ChoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon