“CUT! Okay, good take,” sigaw ng direktor ng bago niyang drama project. Tinanggap niya ang role ilang araw matapos siyang bumalik galing sa New York City. Supporting role lang iyon, hindi pa kasi siya handa para sa mas mahirap na lead role.
Ngumiti siya at magalang na yumuko sa lahat ng naroroon, nagpapa-salamat para sa isa na namang nakakapagod na araw. Last scene niya iyon para sa araw na iyon at mas madali iyon sa inaasahan niya. Ang direktor, mga casts, maging ang buong production staffs ay masarap kasama at napaka-propesyonal.
Pagkatapos makipag-usap sa ibang mga co-actors ng ilang sandali ay nagpaalam na siya sa mga ito at dumiretso sa loob ng van kung saan naroroon ang manager niya.
Naupo siya sa tabi nito at binuksan ang cell phone para mag-check ng mga mensahe. Paglingon niya kay Da Seul ay nakita niya pa ang pagdududa sa mukha nito habang nakamasid sa kanya.
Napailing siya. Simula pa noong gabi sa New York na hindi siya nakabalik dahil sa lagnat niya ay patuloy na ang pagdududa nito sa kanya. Kahit na ilang ulit niya ng ipinaliwanag dito ang lahat, hindi pa rin siya nito pinaniniwalaan.
“What?” she snapped, naiirita na siya dito. Hindi pa ba nito siya kilala at nagdududa pa rin ito sa kanya?
Umiling lang ito at muling itinutok ang paningin sa mga binabasang dokumento.
Naiinis siyang napabuntong-hininga. Hindi niya na lang ito papatulan para tumigil na ito ng kusa.
Wala na silang naging imikan hanggang makarating sila sa building ng apartment niya. Pagkatapos ng maliit na summary ng schedules niya para bukas ay tumuloy na ito sa sarili nitong tinutuluyan at ganoon din naman siya.
Pagkapasok niya sa loob ay agad siyang dumiretso sa kama para panandaliang magpahinga bago mag-shower. Gusto niyang tumungo sa sauna pero wala na naman siyang oras dahil sa trabahp. Steam bath would be good, lalo na at malapit ng magsimula ang winter season.
Tumitig siya sa kisame ng matagal na sandali. Iniisip niya kung nasa New York pa ba si Raffy, ilang araw na siyang nakabalik dito pero hindi niya pa rin ito nakikita. Nakapag-pahinga na kaya ito? Mukhang pagod na pagod ito nang huli niyang makita. Sana naman ay magpahinga naman ito kahit kaunting oras sa pagta-trabaho.
Nagitla pa siya nang marinig ang pagtunog ng cell phone. Umupo siya at inabot ang pouch. Kinuha niya ang cell phone mula doon. Alas-onse na ng gabi, sino naman kaya ang tatawag sa kanya ng ganitong oras?
Natigilan siya nang makita ang pangalan ni Raffy sa screen. Dalawang beses siyang lumunok bago sinagot iyon. Bigla siyang nakaramdam ng nerbiyos sa hindi malamang kadahilanan. “Hello?” pinilit niyang gawing normal ang boses.
“Arrhea,” his husky voice greeted her. Tumalon ang puso niya pagkarinig sa ginawa nitong pagbanggit sa pangalan niya. “Nagising ba kita?” tanong nito.
Kinlaro niya ang utak. Ano ba ‘tong mga iniisip niya? Hindi siya dapat nakakaramdam ng ganito para dito, walang rason para makaramdam siya niyon. “Hindi,” sagot niya. “Kauuwi ko lang. Napatawag ka, may problema ba?”
Ilang sandaling katahimikan. Narinig niya ang pagtikhim nito. “Wala naman, gusto ko lang kumustahin ang agency. Maayos naman ba ang mga lagay diyan?”
Tumango siya at naalalang hindi nga pala siya nito nakikita. “Oo, wala naman akong nababalitaang problema.”
“Narinig kong tumanggap ka daw ng drama role,” sabi nito.
“Oh,” ngumiti siya. “Supporting role lang naman ‘yon. Maganda at challenging para sa akin. Masaya rin ang set.”
Tumawa ito. “That’s great then,” pansamantala itong tumigil. “Oo nga pala, may offers ka rin sa Pilipinas, guesting at endorsements.”
“Pag-iisipan ko ang tungkol diyan,” aniya. “Hectic pa ang schedule ko dito sa South Korea, baka pagkatapos ng drama filming puwede na.”
“Okay, sasabihin ko sa kanila.”
“Nasa New York ka pa ba?” tanong niya dito.
“Yeah.”
“Kailan ang balik mo?” Huli na para tumigil. Maging siya ay nagulat din sa sariling tanong. Nagsisimula niya na bang ma-miss ito? Hindi, imposible ‘yon.
“Sa susunod na linggo,” sagot nito.
Tahimik siyang napabuntong-hininga. Mabuti naman at mukhang hindi ito nakaisip ng kung ano sa tanong niya. “Huwag mong kalimutan ang pasalubong ko, ha?” biro pa niya, para lang mapagaan ang usapan. “Hindi na kasi ako nakapag-shopping diyan dahil nagkasakit ako.”
Narinig niya ang pagtawa nito. Hindi nakakasawang pakinggan ang tawa nito dahil malimit lang nito iyon gawin. Hindi niya napigilang mapangiti sa naisip. Ah, nakakagaan ng pakiramdam ang makipag-usap dito. Pakiramdam niya ay nawawala ang lahat ng pagod niya sa buong araw.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy Choi
Romance"Bakit kung anong pinaka-gusto mo ay hindi mo makuha?" tanong niya dito. Naparami na yata ang nainom niya kaya nagawa niyang makipag-usap sa taong ito. Arrhea Aguirre, a very famous model and actress in South Korea. Hindi niya kailangan ang pagigin...