Chapter 16.5

3.3K 71 1
                                    

NAPAKA-LIWANAG ng condominium place ni Raffy sa loob at sa labas, mayroon iyong hallway, kusina, isang marangyang living at dining area, dalawang bedrooms at tatlong banyo. Mayroon ding malawak na lounge at working space kung saan maaari mong gawin ang kahit ano.
Sumilip siya sa isang kuwartong naroroon, lalaking-lalaki ang ayos niyon at medyo madilim ang ilaw kaysa sa ibang parte ng lugar. Naamoy niya ang amoy ni Raffy doon. Tumingin siya kay Raffy na nasa likod niya na. “Kuwarto mo ‘to?” tanong niya.
Tumango ito bilang sagot, humahakbang palapit sa kanya. Umikot siya para mapaharap dito. Awtomatikong lumipad ang mga kamay niya sa polo nito at sinimulang buksan ang mga butones niyon. Nakita niya pa ang naglalarong ngiti sa mga labi nito habang pinapanood siya.
Napatigil siya sa pangalawang butones mula sa huli nang may maalala. Mabilis siyang lumayo dito at tumakbo papunta sa malaking glass wall kung saan makikita ang liwanag ng mga ilaw sa buong lungsod. Narinig niya pa ang inis na pagbuntong-hininga nito dahil sa pag-iwan niya dito.
Tumawa siya at tumitig sa labas. Watching the city lights from up there was spectacular. Nakikita niya rin ang Banpo Bridge at ang napaka-gandang Rainbow Fountain niyon na naka-linyang pahaba. “It’s so beautiful,” paghanga niya.
Maya-maya lang ay naramdaman niya ang pagyakap sa kanya ni Raffy mula sa likod, nasa buhok niya ang mga labi nito. Napasinghap siya nang magsimulang mag-snow. Mas lalo tuloy gumanda ang view. Nanatili silang ganoon ng ilang sandali, nakatingin sa labas at nakikinig sa bawat tibok ng mga puso nila.
Napangiti siya. Hindi niya naisip na magiging ganito kasaya siya kasama ito nang nakatayo lang sila at walang ginagawa.
“Alam mo,” pagbasag niya sa katahimikan. “Nahirapan akong paniwalain ang manager ko sa mga pagdadahilan ko kanina.”
Tumawa ito. “Anong sinabi mo sa kanya?”
“Sinabi ko na bibisitahin ko muna ang mga magulang ko dahil naroroon si Kuya Justin,” tumawa pa siya. Ginagamit niya ng dahilan ang Kuya niya sa lahat ng pagkakataon. “Gusto niyang sumama pero pinilit ko siyang mauna na at magpahinga.”
Naramdaman niya ang pagtango nito.
Umikot siya at humarap dito. “Gusto kong mag-Christmas sa Pilipinas,” pagpapatuloy niya.
“Nandoon ba si Justin ng mga oras na iyon?”
Nagkibit-balikat siya. “Ewan,” sagot niya. Nahihiya pa siyang nagpatuloy, “Gusto kong kasama ka,” tumingin siya dito. May sumilay na pagkagulat sa mga mata nito. “Ayos lang ba?” Sana naman ay pumayag ito.
Ngumiti ito. “Bakit hindi?” sagot nito.
Hindi niya nagawang itago ang saya sa pagpayag nito. “Salamat,” napatili siya nang bigla siya nitong pangkuin at dalhin sa loob ng kuwarto.
Marahan siya nitong inilapag sa ibabaw ng king-sized bed nito bago tumabi sa kanya.
Umisod pa siya palapit dito at inabot ang isang kamay nito. Hinawakan niya iyon ng dalawang kamay at nakita ang pagpikit nito.
Ilang sandali lang ay nagmulat ito, punong-puno ng pagmamahal ang mga mata. Bumuntong-hininga ito. “You don’t know how much I go crazy everytime you touch my hand, baby,” pag-amin nito sa isa sa mga kahinaan nito pagdating sa kanya.
Ngumiti siya at mabilis na hinalikan ito sa mga labi.
Muli itong napabuntong-hininga. “Paano kapag nagsalita si Brianna tungkol sa atin? Nakita mo siya, baliw na,” napatawa pa ito sa ginamit nitong salita. Pagkatapos ay sumeryoso ulit ito. “Asahan mo na iyon. Pero huwag kang mag-alala, ako na ang bahala sa lahat. Ayokong masira ang pinaghirapan mo.”
Na-touch siya sa concern nito para sa career niya. Pero ayaw niya namang gawin nito iyon. “Kapag nangyari ‘yon,” panimula niya. “Dapat nating sabihin sa kanila ang totoo, huwag na nating i-deny iyon. Mas mahihirapan lang tayo.”
“Ayos lang ba sa’yo?” nag-aalala pa rin ito para sa kanya. “Maraming posibleng manira sa’yo. Magsasabi sila ng mga kasinungalingan at gagawan ng iba’t ibang istorya para masaktan ka.”
“Eh ano? Hindi na natin problema iyon,” niyakap niya ito. “Sila naman ang mapapagod sa paninira, di ba? Parte na ng lahat ang mga rumors, kailangan lang nating huwag pansinin iyon at isipin ang sarili nating buhay.”
Tinitigan nito ang mukha niya ng ilang saglit. “You are so beautiful,” bulong nito, wala sa usapan.
Napatawa siya, her heart glowing. “I love you,” pag-iiba niya din sa usapan.
Maliwanag ang naging pag-ngiti nito at sinakop ang mga labi niya. Mainit niyang tinugon ang mga halik nito. Pareho pa silang naghahabol sa paghinga matapos ang halik na iyon.
“It’s time to try my bed, baby,” bulong nito matapos ang ilang sandali, pumaibabaw na ito sa kanya. She was already conquered by that flaming desire and willingly submitted herself to him once more.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy ChoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon