ISANG buong linggo ang lumipas subalit walang magandang nangyari sa kanya. Napagod lang siya sa patuloy na filming. Pagkatapos ng filming ng araw na iyon, agad siyang umuwi dahil wala na naman siyang ibang mapupuntahan. Ang pang-araw-araw niyang gawain ay naging boring na uli.
“Why are you not eating?” pukaw sa kanya ng manager niya na nasa tabi niya at kumakain ng hapunan. Kababalik lang nila ng gabing iyon galing sa filming site ng drama niya at nag-offer naman ito na ipagluto siya ng hapunan dahil napapansin daw nito na puro instant foods na lang ang kinakain niya.
Napatingin siya sa plato niyang hindi pa rin nagagalaw. Tinitigan niya lang iyon ng ilang sandali bago bumaling sa nagtatakang mukha ng manager niya. “Later,” sagot niya bago tumayo at lumakad patungo sa sofa. Tumingin siya sa cell phone na hawak at napabuntong-hininga, ilang beses niya ng ginagawa iyon.
Ilang sandali lang ay sumunod na sa kanya ang manager niya at naupo sa tabi niya. “Is there something wrong?” nag-aalalang tanong nito.
Binigyan niya ito ng isang ngiti. “Nothing, I’m just tired.”
Tumango-tango naman ito. “I’ve talked to Mr. Choi in his office this morning about that drama role in the Philippines they’re offering you,” tumingin ito sa kanya. “He wants to know if you want to do it.”
Gulat siyang napatingin dito. “You what?”
“What?” hindi nito makuha kung ano ang tinatanong niya.
“You talked to him?” ulit niya sa sinabi nito kanina. “He’s back?” Gulat at iritasyon ang naramdaman niya ng mga oras na iyon.
“Yeah,” tumango ang manager niya. “He came back two days ago.”
Bakit hindi man lang ito nagparamdam sa kanya? Hindi niya na nagawang intindihin ang sunod na mga sinabi ng manager niya. Pinaglaruan niya na lang ang keychain ng cell phone niya. Bakit naman ito magre-report sa kanya ng mga ginagawa nito? Baka sobrang abala lang talaga ito sa trabaho nito, bakit ba siya maiinis dito dahil lang doon? Bored lang talaga siguro siya kaya palagi niya itong naiisip.
Tumayo siya at tumungo sa loob ng kuwarto. Ilang beses siyang tinawag ng manager niya pero hindi niya ito pinansin at nagkunwang tulog. Wala siya sa mood na makipag-usap sa kahit kanino ngayon.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy Choi
Romance"Bakit kung anong pinaka-gusto mo ay hindi mo makuha?" tanong niya dito. Naparami na yata ang nainom niya kaya nagawa niyang makipag-usap sa taong ito. Arrhea Aguirre, a very famous model and actress in South Korea. Hindi niya kailangan ang pagigin...