Chapter 7.1

2.8K 41 0
                                    

IN-ADJUST ni Raffy ang suot na necktie sa leeg nang makalabas siya para lumanghap ng sariwang hangin. Nasasakal na siya sa atmosphere sa loob ng simbahan. Bakit? Dahil ang ilan sa mga guests ay patuloy lang na sumusulyap sa kanya at nagbubulungan ng kung anu-ano patungkol sa kanya. Alam niya ng mangyayari ito. Alam niyang hindi ganoon kadaling tatanggapin ng tao ang dahilang ibinigay niya, gagawa at gagawa pa rin ang mga ito ng sarili nitong mga kuwento para lang may mapag-usapan.
Wala na siyang pakialam doon. Ang mahalaga, may nagawa siyang tama sa buhay niya. Hindi niya pinagsisisihan ang desisyon na palayain na si Ashlee at hayaan na itong maging masaya sa piling ng kakambal. Ayaw niya ng maghirap ito, at maging siya. Maghahanap na lang siya ng lugar para makapag-pahinga, kahit saglit lang.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy ChoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon