Chapter 11.3

2.7K 42 0
                                    

MARAHANG iminulat ni Arrhea ang mga mata, nakakaramdam pa rin siya ng pagka-antok at pagkahilo. Iginala niya ang paningin sa isang hindi pamilyar na kuwarto at na-realize na nasa loob siya ng isang hotel room. It looked too luxurious and she knew it wasn’t theirs. Sinubukan niyang tumayo at alalahanin ang nangyari. Muli siyang napahawak sa sentido, medyo nahihilo pa siya.
Naalala niya nang naglalakad sila ni Raffy sa Rockefeller Square bago siya makaramdam ng pagkahilo at nawalan ng malay. Hindi niya na alam kung paano siya napunta dito at kung ano na ang sunod na nangyari.
Muli niyang iginala ang paningin sa paligid at nakakita ng mga gamot, isang bowl na may tubig at tuwalya, at tray ng pagkain sa bedside table. Sumulyap siya sa orasang malapit sa bowl at nakitang three-thirty na ng madaling-araw.
Paglingon niya sa isang couch malapit sa may pinto ay nakita niya doon si Raffy. Pinilit nitong pag-kasyahin ang sarili sa couch at doon natulog. Ganito ba ito ng buong gabi? Ito ba ang nag-alaga at nagbantay sa kanya nang mawalan siya ng malay? Na-touch siya sa isiping iyon. Wala pang gumagawa noon sa kanya simula ng pumanaw ang Mommy niya.
Maingat siyang bumaba ng kama at lumakad patungo sa couch. Lumuhod siya sa sahig at pinanood itong matulog. Hindi na nito nagawang palitan ang damit at mukhang pagod na pagod. Anong oras na kaya ito nakatulog?
Tinitigan niya ito ng mahabang sandali, mas mahaba kaysa sa nagawa niya simula ng makilala ito. Magkamukhang-magkamukha talaga ito at si Rafael, except from that tiny mole on the left side of his nose – hindi na nga iyon gaanong napapansin. Mukhang napaka-inosente nito kapag tulog.
Itinaas niya ang isang kamay at marahang hinaplos ang itim na buhok nito. Mas malambot iyon kaysa sa inaasahan niya. Bahagya niyang hinawi ang nakaharang na buhok sa noo nito. Then, she slowly traced his perfectly-shaped, thick eyebrows that made him look more manly and angelic at the same time. He was so handsome.
Natigilan siya, ni minsan ay hindi niya naisip na papasok sa isipan niya ang mga salitang iyon patungkol dito. Ano bang nangyayari sa kanya? Iniiwas niya ang tingin sa mukha nito.
Wala sa loob na nailagay niya ang kanang kamay sa tapat ng kaliwang dibdib. Why is it so noisy in my heart? It was so noisy as if a fire had started. Marahas siyang napailing na naging dahilan nang higit niyang pagkahilo. Pinilit niyang tumayo at lumakad pabalik sa kama. Dahan-dahan siyang naupo at muling sumulyap sa couch. She was being ridiculous; baka may sakit pa siya at wala sa katinuan. Muli siyang humiga sa kama at pumikit. Kailangan niyang magpahinga. Siguradong maaayos din ang lahat sa umaga.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy ChoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon