NAGISING si Arrhea dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha niya dahil sa nakabukas na kurtina ng bintanang naroroon. Kinusot niya ang mga mata at naupo. Mas magaan na ang pakiramdam niya kaysa noon.
Nagulat pa siya nang makita si Raffy na nakaupo sa gilid ng kama at pinagmamasdan siya. Mabilis niyang iniwasan ang tingin nito.
“Ayos ka na ba?” tanong nito. “Nagka-lagnat ka kagabi.”
Marahan siyang tumango. “P-Pasensiya na kung naabala pa kita,” bulong niya. Gusto niya ng makalabas dito kaagad. Hindi niya na magawang tagalan ang matiim na titig nito.
“May masakit pa ba sa’yo?”
Nag-aalangan siyang lumingon dito. He looked so haggard but still so gorgeous, with those dark brown eyes showing concern for her. “Wala naman,” sagot niya. Mabilis na siyang kumilos at bumaba sa kama. Sumunod lang ito sa kanya. Agad niyang kinuha ang coat at scarf niyang nasa silya malapit sa mesa.
“Kailangan ko ng umalis. S-Siguradong hinahanap na ako ng manager ko,” humarap siya dito at magalang na yumuko – isang tradisyon ng mga Koreano. “Salamat.”
Aktong aalis na siya nang magsalita ito.
“Ihahatid na kita, baka kung mapaano ka pa sa—”
“Hindi na,” putol niya dito. “Ayos lang ako. Tatawagan ko na lang si Da Seul,” pinilit niyang ngumiti para hindi na ito mag-alala. “Magpahinga ka na. Mukhang napagod ka dahil sa akin. Salamat uli,” pagkasabi noon ay lumabas na siya ng kuwarto. Hindi niya na ito hinintay na sumagot, kailangan niya na talagang kalmahin ang sarili. At ang tanging paraan lang ay panandaliang lumayo dito. She must be still in her crazy state of mind at this time.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy Choi
Romansa"Bakit kung anong pinaka-gusto mo ay hindi mo makuha?" tanong niya dito. Naparami na yata ang nainom niya kaya nagawa niyang makipag-usap sa taong ito. Arrhea Aguirre, a very famous model and actress in South Korea. Hindi niya kailangan ang pagigin...