NAKANGITI si Arrhea nang pumasok siya sa loob ng agency nila ng araw na iyon. Day-off niya ulit ng araw na iyon, isang well-deserved break para sa kanya matapos ang ilang linggong filming at guesting. At ngayon nga ay pupunta na siya sa opisina ni Raffy para yayain itong lumabas. Naalala niya pa ang pangako nitong dadalhin siya sa Namsan Tower sa susunod na day-off niya at ngayong araw na iyon. Pinapunta niya na ang manager niya sa Hongdae para bisitahin ang pamilya nito.
Pagkarating niya sa floor kung saan naroroon ang office nito ay nakasalubong niya ang secretary nitong si Andrew. Binati siya nito at tinanong kung ano ang pakay niya. Sinabi niyang gusto niyang makita si Raffy at maka-usap ito. Nagtaka pa siya nang sabihin nitong maghintay muna siya sa settee na naroroon at sasabihin nito kay Raffy na naroroon siya.
“Sinabi niyang huwag siyang istorbohin kapag hindi importante,” anito nang makita ang pagtataka sa mukha niya. “Sasabihin ko munang narito ka,” itinuro nito ang settee. “Maupo ka muna.”
Sumunod na lang siya dito at naupo sa brown leather settee na nakalagay doon para sa mga bisita. Pumasok na ito sa loob ng opisina ni Raffy at ilang minuto ang lumipas bago niya ito muling nakitang lumabas.
Tumayo siya nang makalapit ito. “Puwede na akong pumasok?” tanong niya.
Tumikhim muna ito bago sumagot. “Sinabi niyang hindi ka muna niya makikita ngayon,” sagot nito. “Marami pa daw siyang kailangang gawin. Marami daw siyang dapat review-hin na financial reports.”
Tumingin siya dito. Nagtaka pa siya sa bahagyang pagkunot ng noo nito. “May problema ba?” tanong niya.
Napaisip ito. “Kasi, na-review niya na noong isang araw ang reports na iyon,” umiling na lang ito. “Baka para sa ibang branch naman ang babasahin niya,” ngumiti pa ito. “Subukan mo na lang sa susunod, kung gusto mo ako na lang ang magsasabi sa kanya ng gusto mong sabihin.”
Umiling na lang siya. Sobra-sobra na ang disappointment niya ng mga oras na iyon. Ang nais niya lang gawin ay umalis ng lugar na iyon at mag-mukmok sa kuwarto niya. Paano nito iyon nagawa sa kanya? Nangako ito! Hindi ba talaga ito marunong tumupad sa pangako nito? Talaga bang ganito na ito ka-obsessed sa trabaho nito at hindi na marunong makisama? Ni hindi man lang siya nito nagawang harapin ng matino. Nagsisimula na ulit siyang magalit dito!
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy Choi
Romance"Bakit kung anong pinaka-gusto mo ay hindi mo makuha?" tanong niya dito. Naparami na yata ang nainom niya kaya nagawa niyang makipag-usap sa taong ito. Arrhea Aguirre, a very famous model and actress in South Korea. Hindi niya kailangan ang pagigin...