ALAS-SIETE na ng gabi nang marating nila ang Rockefeller Square. Maraming tao ang naroroon, napaka-ganda at napaka-relaxing ng view at may iba’t ibang restaurants din na maaaring pagpilian.
Naglalakad-lakad lang sila, lumalanghap ng sariwang hangin at pinapanood ang mga tao.
“Mas maganda kung holiday ngayon,” wika ni Raffy. Tumingin ito sa kanya. “Para naka-ilaw ang mga puno.”
Ngumiti siya. “That would be by Christmas?” napaisip siya. “Malapit na rin ‘yon. Matatakluban na ang Seoul ng snow sa panahon na ‘yon.”
“Oo nga,” sagot nito. Saglit itong tumigil at humarap sa kanya.
“Your friends are beginning to settle down. Hindi ko inaasahan ‘yon,” naisip niyang sabihin dito. Narinig niya kasing ilan sa mga kaibigan o ka-‘breakers’ nito ay may mga plano ng magpakasal.
Ngumiti lang ito pero hindi sumagot.
Tiningnan niya ito. Nakatingin na ito sa isang puno sa tapat nila. “Ikaw? Wala kang planong mag-settle down?” curious na tanong niya.
“Mag-plano na naman?” ulit nito, hindi inaalis ang tingin. “Maraming babae na ang nagpapasa ng resumes nila para maging asawa ko simula ng putulin ko ang engagement namin ni Ashlee,” biro pa nito at bumaling sa kanya. “Pero hindi pa ako handang mag-settle down. Natatakot akong may mangyari uli at mauwi lang tulad ng nangyari sa aming dalawa.”
“Masyado ka bang nasaktan?” tinutukoy niya ang nangyari dito at kay Ashlee. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin alam kung ano ang tunay nitong nararamdaman sa pangyayari.
“It hurts my pride, of course, as a man,” nagkibit-balikat ito. “Wala na akong mapag-pipilian, hindi na ako ang kailangan niya. Mas masaya na siya sa piling ng iba. Alam kong hindi ko maibibigay ang kasiyahang iyon.”
“So may relationship phobia ka na ngayon?” pinilit niyang pagaanin ang usapan. Bakit niya ba ibinabalik pa ang pangyayaring iyon? Kasangkot din dito ang kanyang damdamin, ‘di ba?
Ngumiti ito. “Hindi naman. Ikaw? May bago ka bang relasyon ngayon?” tanong naman nito sa kanya.
Binigyan niya ito ng pilit na ngiti. “The truth is, I never really had a man in my life,” pansamantala siyang tumigil at nakita ang disbelief sa mga mata nito. “Cause I only wanted him. It’s always been him.”
Nakita niya ang pagkawala ng emosyon sa mukha nito bago marahang ngumiti. Tumango ito. “I see,” muli itong bumaling sa harap at nagsimulang maglakad. “It was quite a confession,” dugtong nito.
Sumunod siya dito. Iyon ang akala niya, gusto niya sanang idagdag iyon pero nanatili na lang siyang tahimik.
Maya-maya ay nakaramdam siya ng pagkaliyo. Umikot ang buong paligid niya at hindi niya napansing napahawak na pala siya sa braso ni Raffy para sumuporta.
Hinarap siya nito. “Hey, ayos ka lang?” naalarma ito sa naging aksiyon niya. “Arrhea…”
Hindi niya na nagawang marinig ang mga sinabi nito. Her head started throbbing and her breath hitched. Tumingala siya dito at sinubukang buksan ang bibig pero mahina na ang boses niya. “I—” slowly her visions went blurred and she lost everything.
![](https://img.wattpad.com/cover/191419619-288-k8401.jpg)
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy Choi
Romance"Bakit kung anong pinaka-gusto mo ay hindi mo makuha?" tanong niya dito. Naparami na yata ang nainom niya kaya nagawa niyang makipag-usap sa taong ito. Arrhea Aguirre, a very famous model and actress in South Korea. Hindi niya kailangan ang pagigin...