Chapter 12.4

2.7K 48 0
                                    

MASAYANG-MASAYA si Arrhea ng araw na iyon. Bakit? Dahil sa napakatagal na panahon, nagkaroon na rin siya ng day off – ibig sabihin, wala siyang schedule sa buong araw. Libre siyang gawin ang kahit ano at magpahinga ng buong araw.
Napag-pasyahan niyang manatili sa bahay ng Daddy niya nang araw na iyon, para naman makapunta din ang manager niya sa pamilya nito. Alam niyang hindi ito papayag na mag-stay siya sa apartment niya nang wala ito.
Nagbabasa siya ng manga ng Kaichou wa maid-sama sa living room nila ng makita niyang pumasok ang Kuya Justin niya. Bigla siyang napatayo sa hindi inaasahang pagdalaw nito. “Kuya,” ipinatong niya ang manga sa mesa at sinalubong ito. “Mabuti naman at naisipan mo pa kaming dalawin,” nagtatampong wika niya.
Bahagya nitong ginulo ang buhok niya katulad ng dati pa nitong gingawa noong mga bata pa sila. “Pasensiya na, medyo busy ako nitong mga nakaraang araw,” paghingi nito ng dispensa.
Ngumiti siya at sinuri ito. Mukha namang maayos lang din ang lagay nito.
“Nandiyan ba si Papa?” tanong nito.
Mabilis siyang tumango. “Gusto mo siyang kausapin? Nasa study room siya,” sagot niya.
Tumango ito.
“May pino-pormahan ka na ba ngayon, Kuya?” pabirong tanong niya pa dito.
Napailing na lang ito at napangiti bago muling tumalikod para tumuloy sa study.
“Oh!” nagulat siya sa nakita. Totoo ba ang nakita niyang ngumiti ito dahil lang sa tanong na iyon? Hindi siya makapaniwala. May nangyari ba dito? naisip niya. May bago nga kaya talaga itong pinopormahan?
Iyon ang iniisip niya habang papa-akyat sa sariling kuwarto. Umiling siya. Hindi, imposible ‘yon. Siguradong sasabihin nito sa kanya kapag may bago itong pino-pormahan.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy ChoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon