HALOS dalawang linggo ang lumipas, na-discharged na naman siya sa ospital pero wala pa ring nagbabago sa sakit na nasa puso niya. Bakit kaya hindi na lang maging katulad ng sugat sa katawan ang sugat sa puso niya? Iyon bang kayang pagalingin ng gamot o treatment sa ospital?
Nang araw na iyon ay pumunta siya sa agency ni Raffy para kausapin ito. Ito na lang ang nag-iisang pag-asa niya, magpapakababa na siya sa harap nito kung iyon ang kailangan.
Dumiretso siya sa opisina nito. Pinaghintay siya ng sekretarya nito sa couch na naroroon dahil nasa isang conference meeting pa daw ito. Ilang sandali siyang naghintay bago niya ito nakitang pumasok sa loob ng opisina. Halatang nagulat pa ito pagkakita sa kanya.
Tumayo siya at lumapit dito.
“Anong kailangan mo?” tanong nito.
Mabilis niyang hinawakan ang kamay nito. “R-Raffy, please… please, nag-mamakaawa ako sa’yo. Huwag mo hayaang tuluyan ng mapunta si Ashlee kay Rafael. Please, gawin mo ang lahat para paghiwalayin sila,” puno na ng luha ang buong mukha niya. Desperada na siya, oo. Wala na siyang pakialam doon. Ito na lang ang natitirang paraan para hindi tuluyang mawala sa kanya si Rafael.
“Arrhea, nakikita mo ba ang sarili mo ngayon?” tanong nito. “Tigilan mo na ang kabaliwang ito.”
Marahas siyang umiling. “K-Kung kailangang lumuhod ako sa harap mo, gagawin ko. Please, Raffy… please,” aktong luluhod na siya nang pigilan siya nito.
“Stop it,” bulong nito. Napamura pa ito ng mahina. “Sige na, gagawin ko ‘yon.”
Tumingin siya dito, napalitan ng pag-asa ang sakit na nasa mga mata niya.
“Bumalik ka na lang South Korea,” pagpapatuloy nito. “Ako na ang bahala dito. Bumalik ka sa trabaho at linawin mo ‘yang pag-iisip mo, Arrhea. Naiintindihan mo ba? Marami ka ng naaabalang tao dahil sa kabaliwan mong ito. So, get back to your senses now.”
Sunod-sunod ang naging pagtango niya, para siyang isang masunuring bata sa harap nito. “Salamat,” ngumiti siya. “Sabihin mo kay Rafael na hihintayin ko siya sa Seoul, hmm?” pagkasabi noon ay lumabas na siya ng opisina nito. Alam niyang tumutupad ito sa sinabi nito, alam niyang ito lang ang makakapigil sa relasyon nina Rafael at Ashlee at umaasa siya dito.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 5: Raffy Choi
Romance"Bakit kung anong pinaka-gusto mo ay hindi mo makuha?" tanong niya dito. Naparami na yata ang nainom niya kaya nagawa niyang makipag-usap sa taong ito. Arrhea Aguirre, a very famous model and actress in South Korea. Hindi niya kailangan ang pagigin...